I waited until afternoon ngunit ni anino o tawag mula sa kaniya ay wala akong natanggap. This is not his playground to play. Kung hindi niya pala gusto ang magtrabaho, napakadaling tumanggi hindi iyong naayos na lahat tapos bigla siyang mawawala na parang bula. Nanginginig ang mga kamay ko sa inis at galit. Gusto kong isigaw sa mukha niya kung gaano siyang kairesponsable at unprofessional. Hindi nalang sarili niya ang dapat niyang isipin ngayon kung hindi ang mga empleyado niya. Ngayon, nagsisisi na talaga ako na tinanggap ko ang trabahong ito. Kung alam ko lang sana na ganito kahirap maging sekretarya niya. Dinampot ko ang bag ko at isinukbit sa balikat ko bago binuhat ang mga papeles na kailangan pagaralan. Pinindot ko ang elevator at hinintay na bumukas ito. Mahigpit akong humawak s

