7

417 Words
Kakatok ba ako o hindi? Kakatok ba ako o hindi? Kanina pa ako nakikipag debate sa sarili ko habang parang tangang naka tunganga sa harap ng office ni sir at hawak sa isang kamay ang pinggan na may lamang pagkain ni boss Napa buntong hininga ako at nilakasan ang loob. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang mukha ni Boss Mukha siyang nagulat pero agad ding napalitan iyon ng Poker Face "What are you doing here?" Walang emosyong sabi niya "A-ah" lumunok muna ako bago itinaas ang pagkain na hawak ko at sumagot "A-ah d-dinalhan po kita ng pagkain" Natigilan siya ng ilang segundo habang nakatingin sa hawak ko pero agad ding binalik ang tingin sakin "thanks but no thanks" at nilagpasan na ako. Napa buntong hininga ako at tiningnan ang pakaing hawak ko. sayang naman. Sabi na ngaba pang kwek-kwek ko nalang dapat to eh. Bumaba ang ng ground floor at pinuntahan ang isang guard na nag babantay "Kuya, sayo nalang po to oh" "Talaga po ma'am? Salamat po ha ang bait niyo po pala" asus nambola pa si Kuya, binibigay na nga eh. "Walang ano man po kuya, sige una nako" kelangan ko ng bumalik sa office baka sumabog nanaman si Boss pag di ako naabutan. -- Malapit na ang uwian pero hindi pa din lumalabas sa office niya si Boss Maya maya ay biglang bumukas ang office ni Boss kaya lumipad dun ang tingin ko at nakita ko na lumabas si Boss Mabilis ang pag lalakad niya, kaya mabilis din akong tumayo at hinabol siya "Boss teka lang!!" Pinigilan ko siya sa braso ng maabutan ko "What?!" Dikit na dikit ang kilay na sabi ni Boss "U-uhm k-kumain ka n-na ba B-Boss?" Mahinang tanong Nasagot ang tanong ko ng biglang tumunong ang tiyan ni boss Napangiti ako ng makita ang pamumula ng mukha ni Boss "Teka" sabi ko sabay takbo papuntang mesa ko at kinuha lahat ng gamit ko Nag tatakang naka tingin sakin si boss pag dating ko  "Tara" sabi ko ng naka ngiti "Saan?" Curious na tanong ni Boss "Sa bahay ipag luluto kita" sabay ngiti ko sakanya ng sobrang lapad "Wag na lasunin mo pa ako" sabasy talikod at lumakad "Teka!!" Natatarantang sabi ko at sumunod kay boss Napamura ako ng hindi ko naabutan ang elevator na sinakyan ni Boss tiningnan ko ang elevator na katabi at nakitang pataas pa ito Hinubad ko ang heels ko at dali daling tumakbo papuntang Fire Exit Tsk! Mahaba habang takbuhan din to. -- ✘ R E A D ✘ ✘ H E A R T ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD