1

388 Words
"WAIIIIT" agad kong hinarang ang kamay ko sa papasarado ng elevator at dali daling pumasok "Excuse me, excuse me, EXCUSE ME!" inis na baling ko sa babaeng ayaw talagang tumabi sa harap ko Agad niya naman akong tiningnan mula ulo hanggang paa sabay sabing  "sino ka para sundin ko?!" ABAT! MUKHANG HINAHAMON YATA AKO NG BRUHANG TO?! Agad na nanliit ang mga mata at nilapit ang mukha ko sa kaniya " Kung ayaw mong ingudngod ko yang mukha mong parang drawing book sa malamig na sahig ng elevator na to tumabi ka!"  Bakas sa mukha niya ang gulat at takot kaya agad din siyang tumabi kung kaya ay naka daan din ako. Binigyan ko naman siya ng ngiting aso bago umayos na ng tayo with matching hair flip. "Kuya! 25th floor!" Utos ko sa mamang nasa harap "Very Good" sabi ko ng pinindot naman ni kuya Maya maya ay isa-isanang nag silabasan ang mga tao sa elevator at nung ang bruha na yung lalabas ay binigyan pa ako ng nakakamatay na irap Tsk, madapa ka sana Sakto namang naipit yung heels niya sa siwang ng sahig ng elevator kaya ayon natapilok kung kaya’t malakas siyang napasigaw sa sakit ng paa. Napangiwi naman ako at iniwas na ang tingin. Hindi ako ang may kasalanan yan, wala akong ambag diyan. Agad akong kumaripas ng takbo ng makatapak ako sa 25th floor, geeez! Job interview na ngalang at tanggap na ako mukhang di pa matutuloy dahil late ako! Kasalanan to ng hipong nasa elevator kanina! Ang tagal kasing makuha ng sapatos niya sa siwang ayun binali nalang Bwahahahaha! "ARAY!!!!" Impit ko ng mabunggo ako sa isang pader Agad kong inayos ang sarili ko at tumayo at tiningnan kung saan ako nabunggo Agad akong natigilan ng makita kung ano ang nabunggo ko! HINDI PALA ANO! KUNDI SINO! "Next time tumingin ka sa dinadaanan mo! Kung hindi mo man makita! Subukan mong tumingin sa baba baka makita mo!" Inis na bulyaw ko sa lalaking nakabunggo ko na kunot noo lang na nakatingin sakin. Agad namang umawang ang labi niya at akmang sasagot nang bigla ko na siyang nilampasan at kumaripas na ng takbo papuntang office kung saan ang interview. Tsk! Late na talaga ako! Ba naman yan, wrong timing naman umepal ng mga tao ngayon! -- ✘ R E A D ✘ ✘ H E A R T ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD