I swear ang weird talaga ngayon ni Boss! Imagine! Siya nag bayad ng bill ng kinain namin! "Uhm boss sure ka ba talaga na okay lang sayo na hindi natin hatiin ang bayad?" Sakay kami ngayon ni Boss sa elevator papunta sa floor namin. “May pambayad ka ba?” Ouch foul naman ng tanong niya! Pero tama nga naman siya ang lakas ng loob kong mag tanong eh wala naman akong pambayad. Paano nalang kung pababayarin niya nga ako, edi for sure maghuhugas ako ng pinggan sa kusina ng restaurant. “Wala po” "Isang tanong pa Ms. Estrada at papabayaran ko na talaga sayo ang kinain mo" agad kong zinip ang bibig ko sabay iling Katahimikan ang sumunod nangyari hanggang sa makarating kami sa floor namin. "Ms. Estrada" napataas ako ng tingin mula sa pagtingin ko sa sapatos ko nang bigla akong tawagin ni Boss

