Mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko matapos nang madugong hilahan at buhatan Andito kami ngayon ni Boss sa apartment ko and yep you read it right kasama ko si Boss -_- naka higa ngayon sa ka kama ko! KAMA KO! At sa sobrang haba ng bias niya ay hindi iyon kasya sa kama ko dahil tamang tama lang sa height ko ang length nito. Napatingin ako sa mukha ni Boss na ngayon ay mahimbing na natutulog Napabuntong hininga naman ako habang pinapakalma ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay ilang kilo ng bigas ang binuhat ko dahil sa bigat ni Boss. Ang laki pa naman niyang tao tapos ako lang magisa ang bumuhat sa kaniya. Wala manlang may nag offer ng tulong! Hmp "Ikaw na lalaki ka! Ang laking perwisyo na dinulot mo sakin ngayon!" Bulong ko habang pinopoke ang pisngi niya Umungol naman siya

