HAILEY "Dominic Blanco." It was Dom who shook Nico's hand at hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makipagkamay sa kasama ni Ate Nikki. The brute took my hand at pinaupo ako sa silya. "That's Hailey." Naupo siya sa tabi ko at isinampay ang braso sa likod ng aking silya. Now we looked like we're together. Napakamot sa ulo si Nico habang natatawa. I didn't know you have a brother, Hailey." Naupo na rin siya at uminom ng tubig. I was tying to send a message to Ate Nikki kaya panay ang tingin ko sa kaniya pero ang spoiled na buntis ay panay rin ang ngiti sa akin. Enjoy na enjoy siya sa kamiserablehan ng kapatid niya. Kapag napikon pa naman itong si Dom ay hindi madaling pakalmahin. Tumikhim ako. "Dom is not my brother. He's uhm—" Tumingala ako sa kaniya at hindi ko alam kung anong s

