"Sigurado ka bang ayos lang kayo dito?" Todo usisa siya kung ayos na ba at kumpleto ang mga iniwan na gamit roon. "Oo naman te." Palo na lang ng kaibigan sa kanyang balikat. Napanguso na lang siya ng bagya sa nakangiting anak. "Miko, papakabait ka ha, aalis lang sandali si mama," haplos niya sa pisngi nito. Malambing naman itong kumaway sa kanya. "Babay mama!" Kahit labag sa loob ay ngiting kumaway na lang rin siya rito at agad ng lumabas, dahil sa pagkakapanatili ng tingi nsa anak ay hindi na niya nakita ang dinaraanan hanggang sa mapasubsob na lang siya sa matitikas na dibdib ng isang matangkad na lalake. "Hi there!" masayang saad nito nang mag-angat si Freyja ng tingin. Ganoon na lang ang pagkatulala niya nang maaninag kung sino ang kanyang nabangga. "Hi po," medyo aligaga

