Chapter 9

1494 Words
Chapter 9 Ellie Graduation Sa wakas dumating na ang pinakaiintay ko. Halos wala ng paglagyan ang saya at excitement sa puso ko. Magkahawak kami ng kamay ni jana habang naglalakad papasok ng school, Habang ang aming magulang ay nasa likod namin. Maging sila ay sobrang excited. Honorable mention si jana ako naman ay Top 2 sa klase namin. Sayang nga, siguro kung di ako tumakas at dinahilan na namatay si mang tonyo baka ako top 1. Nalaman kasi nila na nagsinungaling ako ayun tuloy pinaglinis ako ng buong campus. Bwisit! Habang papalapit sa aming upuan ay tumingin ako sa likod kung nasan naka pwesto sila mommy at daddy, parehas silang present pero parang may kulang. Hanggang sa matapos ang seremonya hindi ko sya nakita. " huy ineexpect mo talaga na dadating yon? Asang asa ka talaga? " sinamaan ko naman ng tingin si jana. " ano naman kung wala sya ngayon dito? Magkikita namin kami sa pasukan " sabay ngiti ko na parang kilig na kilig. Tiningnan ako ni jana na parang diring diri sa reaksyon ko. Sa bahay lang kami nag celebrate, narito ang aming ibang kaklase pati sila jana kasama ang mama nya. Sobrang daming pagkain at masaya ang lahat. Masaya naman ako dahil sa wakas graduate na ako ng high school, pero may parte pa rin sa akin na parang may hinahanap, may kulang. Habang nagsasaya ang lahat sa baba, napagpasyahan ko na umakyat muna sa kwarto ko para magpalit ng damit. Sa pagbukas ng pinto ay sandaling tumigil ang mundo ko, at biglang bumilis ang t***k ng puso ko, namamalikmata ba ako? " congrats "  bati nya sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Agad akong tumakbo papalapit sakanya na pirming nakasandal sa bintana. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko katawan nya at maamoy ang mabango nyang katawan. Ang sarap! " masyado mo naman akong namiss " sabay tawa nya, pinalo ko bahagya ang dibdib nya at lihim na napangiti. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nya na syang kinalabog lalo ng puso ko. Nilayo nya ang sarili nya at hinawakan ako sa kamay " tara " tumingin ako sakanya " saan?" Hindi nya ako sinagot at tanging ngiti lang binigay sa akin. Dahan dahan kami dumaan sa bintana, umiiwas kami na makalikha ng ingay dahil may tao pa rin sa labas ng bahay kaya kailangan namin sa vandang likod dumaan para doon mag over the bakod. " ellie anak " rinig ko mula sa labas ng kwarto kaya agad ako napalingon doon " si daddy " kinakabahan kong saad, naramdaman ko ang paghigpit nya ng kapit sa akin " bilis " walang anu ano agad nya ako hinila. Rinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad kami yumuko habang bumaba sa bakod. Muntik pa ako madulas sa inapakan ko mabuti at nahawakan nya ako. Grabe ang kabang nararamdaman ko pero sya ay tahimik na natatawa sa ginagawa namin kaya pati ako ay natawa na din. Nang makababa ay agad kami tumakbo, nang makalayo ay sandali kami tumigil. habol hininga kami habang natatawa sa kalokohang pagtakas na ginawa ko. Nang mahimasmasan ay sandali kaming napatitig sa isat isa sabay hawak nya sa kamay ko. Naglakad kami hanggang sa tumigil sya sa isang puno at may kinuha sa gilid nito. Taka akong tumitig sakanya " mountain bike?" Tumango sya " para di mo na ako pagkamalang carnapper" sabay tawa nya. Napayuko dahil sa pgiging judgemental ko. Sorry naman diba? Akala ko nga member din sya ng budol budol gang eh. Bumalik ako sa ulirat ng magsalita ulit sya. " tara angkas kita " ngumiti ako at  umupo sa bandang unahan nya. Humawak sya sa manibela at nagsimula na magpadyak Patuloy ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko habang nakakulong sa bisig nya, lihim ako napapangiti at walang paglagyan ang kilig. Sininop ko ang buhok at nilagay sa kabilang parte ng balikat dahil sa hangin na sumasalubong sa amin. Papalubog na ang araw kaya nagsisimula ng lumamig. Ilang minuto ay nakarating kami sa gilid ng burol at doon iniwan ang bike. Sa mataas na bahagi nito kung nasaan ang tree house. Magkahawak kamay kami nagtungo doon at agad na umakyat. Katulad ng una ay namangha pa rin ako sa ganda at kulay nito. Kaibahan ay bagong sapin na kumot at unan na nakalatag sa baba may speaker at pagkain sa gitna. It's like a romantic date. " ikaw may gawa nito?" Sabay turo sa surpresa nya. Dahan dahan sya tumango at agad na napangiti. " pangit ba?" Sabay hawak nya sa batok na akala mo eh hiyang hiya. Hindi ako sumagot at hinila lang sya paupo. " aarte paba ako? " sabay ngiti ko. " bakit hindi ka nalang pumasok sa bahay? Welcome ka naman eh di mo na ako kailangan itakas " saad ko habang kumakain kami ng pizza. Tumitig sya sa akin " alam mo naman kung bakit diba?" " kasi gusto mo may thrill " sagot ko. At bigla kaming natawa. Gabi na pero nandon pa din kami. Habang nakahiga at  nakatanaw sa langit ay biglang nagstrum ng gitara si miguel. Hindi ko napansin na may gitara pala dito sa loob. ( playing with a smile by Eheads ) Napatingin ako sakanya dumapa ako at pumalumbaba , pinagmamasdan ko sya habang kumakanta. Lift your head, baby, don't be scared Of the things that could go wrong along the way You'll get by with a smile You can't win at everything but you can try Baby, you don't have to worry 'Cause there ain't no need to hurry No one ever said that there's an easy way When they're closing all their doors They don't want you anymore This sounds funny but I'll say it anyway Girl, I'll stay through the bad times Even if I have to fetch you everyday We'll get by with a smile You can never be too happy in this life 'Cause in a world where everybody Hates a happy ending story It's a wonder love can make the world go 'round But don't let it bring you down And turn your face into a frown You'll get along with a little prayer and a song Isa ito sa paborito kong kanta ng eheads, pero parang lalo ko na appreciate ng kinanta nya ito, damang dama ko feeling ko hinaharana nya ako. Hindi ako umiwas ng tingin kahit sya ay nakatitig sa akin Hanggang sa matapos ang kanta ilang segundo ang lumipas at nanatili sa ganung posisyon. Bumangon ako mula sa pagkakadapa at nag indian seat " turuan mo ako " sabay ngiti ko. Lumapit sya sa akin at binigay ang gitara. Sa pagdikit ng aming balat muli ko nanaman naramdaman ang paginit ng aking katawan. Nagsimula na syang ipulupot ang braso  papunta sa kaliwa kong kamay. Napalunok ako maramdaman ko ang dibdib nya sa aking likod. Napapikit ng maramdaman ang hininga nya sa tenga ko dahilan para makaramdam ako ng kiliti. Napamulat ako ng mata ng hawakan nya ang kanang palad ko, ilang segundo hindi pa rin sya kumikilos at annatili sa ganung posisyon. tumingin ako sakanya dahilan para maamoy ko ang mabango nyang hininga, halos maduling ako sa sobrang lapit namin pero para sakanya ay hindi ito alintana, muli ako napalunok ng titigan nya ang labi ko. Hindi ko alam bakit hindi ako pumalag sa ganung posisyon namin dalawa. Hanggang sa mabilis nya akong hinalikan, tumugon ako. Halos mabingi ako sa lakas ng t***k ng puso ko, malamig ang simoy ng hangin pero parang tanghaling tapat dahil sa init ng aming nararamdaman. Matamis, mainit at malambot  ang umangkin sa aking labi. Inalis nya gitara na nakaharang sa aming pagitan.  Ilang minuto nagtagal ang aming halikan at sabik na sabik dahil sa matagal na hindi nagkita. Inihiga nya ako sa makapal na kumot, napasinghap ng hawakan nya ang dibdib ko, maging ang leeg ay pinaulanan ng halik,  sandali sya tumigil at nanatiling nakabuka ang aming labi habol hininga sa tagal ng aming halik. Lalo ako naginit ng pasadahan nya ng daliri ang pagitan ng aking dibdib pababa sa pusod.  Parang nanunukso ang bawat hagod nito dahilan para mapaliyad ako. Hanggang sa pababa ng pababa at narating ang aking hita. Nakadress ako kaya medyo nalihis ang palda dahilan para umangat ito. Hinimas himas ang aking binti pataas hanggang sa pwetan. Hindi ako tumutol, nanatiling nakuton ang atensyon sa kanyang ginagawa. Hinalikan nya muli ako " b-bakit ka tumigil?" May badyang pagkainis ang boses ko. Nakakahiya man ang aking tanong pero yun agad ang lumabas sa bibig ko. Nabitin ? Shocks. Yumuko sya at natawa sya, hindi ko nakita tuloy dimple nya " marami pa tayong oras easy ka lang " sabay tawa nyang pang asar. Nakaramdam ako ng pagkahiya at umiwas ng tingin. Sobrang pula na siguro ng muka ko dahil parang ako pa ang naghahabol. Haist ano ba yan ellie Hinawakan nya ang baba ko hinarap sakanya tumitig sya sa aking mata at muling siniil ng halik. Umalis sya harap ko humiga sa aking tabi. Pinaunan nya ang kanyang braso at yumakap sa kanya. Sa sandaling ito na kami magkasama, para ayoko na lumipas ang araw at gugustuhing sandaling tumigil ang oras. Sabay namin tinanaw ang ang kalangitan, malalim na ang gabi pero nanatili pa rin itong maliwanag dala ng bituin at buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD