Chapter 16

1820 Words
Chapter 16 Buong kanta nila sa kanila nakatuon ang lahat, parang dinadama talaga nila ang bawat nota at lyrics nito. Kitang kita sakanila ang pagka mangha. Kumbaga Perfect rhythm perfect couple. Hanggang sa matapos ang kanta, mula sa huling tunog na narinig na nagmumula sa piano ay tahimik ang lahat. Maya maya ay unti unti nagpalakpakan palakas ng palakas with standing ovation. Para kunyare di affected pumalakpak na rin ako. " grabe talented talaga ni villaverde " rinig ko mula kay jive with matching iling iling na sinang ayunan pa ni luis na pumapalakpak rin. Diretsyo panrin ako nakatingin sa entablado na kunyari hindi naririnig ang pinaguusapan nila. Para akong mauubusan ng hininga ng tinawag na kami. Lalong nadagdagan ang kaba ko ng panginginig ng kamay. Bago magsimula nagpabilog kami at nagdasal, sabay sabay sumigaw ng AJA! . lahat sila ay tinapik ako sa balikat bilang pampalakas ng loob. Humarap sa akin si jigs " tulad ng sinabi ko sayo ellie ---" " wag mo silang intindihin, isipin mo lang na nagjajamming tayo na parang tayong dalawa lang at parang walang nakikinig na ibang tao " sabay naming sinabi, sabay na rin kaming natawa. Saulado ko na kasi ang katagang yan dahil sa paulit ulit nya itong sinasabi sa akin. " just enjoy the night ellie. No pressure " napangiti ako sa sinabi nya at tumango. Umakyat na kami sa stage. Habang inaayos ang gamit sa pagtugtog. Nagtanguan kami bilang handa na kami at magsisimula na. Huminga ako ng malalim, bumuga ng mabigat na paghinga. Punong puno ng kaba ang puso ko pero pilit na tinatago. Ayoko mapahiya ang kasama. Mula sa likod si luis ang drummer, bahista si jive at si jigs ang lead guitar kaming dalawa ang nasa harap, ngumiti sya sa akin habang nakasukbit ang gitara sakanya. ( playing kung di rin ikaw by december avenue & moira ) Jigs: Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan? Nakatingin lang ako kay jigs habang sya ay kumakanta. Nahihiya ako humarap, baka mautal ako o ano. Nang ako na ang kakanta pinikit ko ang mata at dinama ang kanta. Ellie: Kung hindi ikaw ay hindi na lang Pipilitin pang umasa para sa 'ting dalawa Jigs: Giniginaw at hindi makagalaw Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw Duet: Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ang sarili na umibig pang muli Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Hindi ko namalayan na napadako ang mata ko sa aking nasa harapan. Hindi ako agad nakaiwas ng magtama ang aming mata. Muling nanumbalik ang sakit. Mula sa unang beses na magkita hanggang sa kasalukuyang gusto ko ng iwasan sya Muli akong kumanta Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan? Hindi ko na nagawang ialis ang paningin ko sakanya. Sa pamamagitan ng kanta gusto ko iparating sakanya ang nararamdaman. Jigs: Kung hindi ikaw ay sino pa ba Ang luluha sa umaga para sa 'ting dalawa? Ellie: Bumibitaw dahil 'di makagalaw Pinipigilan ba ang puso mong iba'ng sinisigaw? Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ang sarili na umibig pang muli Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Naliligaw at malayo ang tanaw Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ang sarili na makita kang muli Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Haa... Kung 'di rin tayo sa huli Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Kung 'di rin tayo sa huli (Papayagan ba ng puso ko?) Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Alam ko hindi ko na kaya mapigilan ang mararamdaman ko. Ang tunay kong nararamdaman ay dinaan ko sa kanta. Sa bawat pagpintig ng puso ko ay sya ang sinisigaw. Bumaling ako ng tingin kay jigs para mapigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha kapag pinagpatuloy ang pagtitig ko kay zion. Mula ngayon mangangako na ako mismo ang iiwas para hindi na kami parehas masaktan.. O baka ako lang ang nagiisip na merong namamagitan sa aming dalawa? Dahil ang totoo ay meron nang anghel na nagmamay ari sakanya at ako lang tong pilit na umaasa na baka meron din syang nararamdaman para sakin. Hanggang sa matapos ang kanta, pipi at wala pa rin ako sa sarili sa totoong nangyayari sa paligid. Bumalik ako sa realidad ng hawakan ako sa kamay ni jigs at sabay sabay na nag bow. Napatingin ako kay zion na palabas ng music hall. Sa backstage ay busy ang lahat. We congratulate each other because of the successful event. From the organizer to the contenders. " did you see zion?" napadako ang tingin namin sa babaeng may malambing na boses. Teka hindi nya kasama si zion? Hindi sya kasama sa pag alis ng jologs na yun? Hilig talaga mang iwan sa ere ng loko. Umalis na lang sya ng malamang wala si zion. Sa monday iaanounce ang nanalo for formality, pero for sure na banda nila zion ang champion. After the ceremony saka gaganapin ang party. And i think i will join and make my last day crazy over that party. My last day with them. Monday, hindi na ako umaattend ng class dumiretsyo na kami sa gym kung saan gaganapin ang nanalo sa battle of the band. All is present pwera lang sa isa. Wala ang zion. Ang puso ko ay naguumpaw sa saya ng iannounce na kami ang first placer. Sa sobrang saya ay napayakap ako kay jigs. Tumikhim si luis at jive kaya napabitaw kami at nagyakap yakap kaming apat. Para kaming mga bata na nagtatalon habang magkakayakap. Of course sila zion ang champion, napatingin ako kay angel napalingalinga sa paligid at muling babalik sa cellphone. Halos matatapos na kasi ang event pero walang zion na nagpakita. Pagkatapos non dumiretsyo na ako ng uwi. Inaayos ko na nag gamit ko sa boarding house. Napagdesisyon na ako na sa laguna na lang ulit magaaral para may kasama ang mommy... At baka sakaling maisalba pa ang lahat. Sa pagod ay agad ako nakatulog. 6pm na ako nagising. Ang daming text at miscalled sakin ni jigs. Sa bahay ng isang kaibigan ang event pero hindi nila sinabi kung sino. Halatang excited sila. Napatingin ako sa bintana ng may narinig na tunog ng motor. Kumuway sakin si jigs mula sa baba. Nagsuot ako ng dress na sleeveless na maroon at flat sandals. Wala na kasi ako damit o pantalon dahil hindi pa ako nakakalaba and since uuwi na rin anman ako sa amin kaya di na ako nagabala. Huminto kami sa isang bahay sa labas ay nagkalat na ang mga studyante. May ilan ilan na din naman na akong kakilala. Sabay kami ni jigs papasok sa loob. Mayaman ang may ari dahil may sarili itong swimming pool. Halos lahat ay lasing na dahil sa makukulit at maiingay na ang lahat. Pagpasok sa loob ay bubungad ang siksikan at malakas na tugtog. Tanging tango lang ang nagagawa ko at ngiti kapag may nag ko congratulate samin. Lumabas kami sa likod bahay kung saan wala masyadong tao. Kumuway ako ng makitang nandoon sina luis at jive mukang lasing na din dahil sa sobrang kadaldalan.. Nakita ko rin ang dalawang kaibigan din ni zion na lagi nyang kasabay pag pumapasok. Umupo kami sa tabi nila. " ellie si mike at fred" pakilala ni jigs sakin sa dalawang kaibigan ni zion. Tumango lang sila sa akin, katulad ni zion ay gwapo rin ang mga ito. Hindi na ako nageffort makipag shakehands dahil busy na rin naman sila sa mga babaeng katabi nila na halos makikita na ang buong katawan sa sobrng iksi ng damit. " asan si zion?" tanong nya. Napatingin kami sa bandang dulo ng inguso ito ni mike. Nanlaki ang mata ko ng makitang naghahalikan si zion at.. Angel??. Alam ko naman na may relasyon sila pero hindi lang ako makapaniwala na sa kabila ng tahimik at mahinhin na angel ay tinatagong PDA sa katawan ito at sya pa talaga naka kandong kay zion ha. Ibang klase. Umiwas ako ng tingin ang sakit nila sa mata. Napatingin ako kay jive ng alukin nya ako ng alak nung una ay tumanggi ako, bigla ko naisip na dapat ienjoy ko ang gabing ito. Sa tudyo ng lahat ay nilagok ko ang laman ng bote. Napangiwi ako at maubo ubo dahil sa tapang nito. Shet! Malay ko ba na ganito lasa ng alak. Yung juice lang kasi pinagpapraktisan namin ni jana. Naka ilaang shot lang ako pero agad ako tumanggi sunod na alok pa nila. Nakaramdam ako ng hilo, i excused myself kasi naiihi na ako Habang hinahanap ang cr may humarang sa harap ko. Pumikit pikit ako para lumiwanag ang mukha na nasa aking harapan, dala kasi ng hilo kaya hindi ko kagad maaninag. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong kung sino. Ngumisi ako. " zion... Nice place bahay mo pala to?, yaman mo pala may sarili kang bahay " diretsyo lang syang nakatitig sa akin habang ako ay paloko lokong tumitingin sa paligid. Nawala ang ngiti ko ng makitang seryoso syang nakatingin sa akin. Hindi ko sya pinansin at direstyo sa pagalis. Pero bago pa makakilos hinila nya ako pulupulsuhan " ano ba zion bitawan mo ako... Nasasaktan ako " saad ko habang pilit na inaagaw ang kamay ko mula sa pagkakapit nya. Pabalang nya dinikit sa pader sa tinitigan ng masama. " bakit ka aalis sa school, sino nagsabi sayong umalis ka sa scholar ng xavier. Sino nagsabi sayo---" agad ko pinutol ang sinabi nya " sino rin ang nagsabi sayo mangelam ka sa buhay at desisyon ko " buong tapang kong sagot. Lalong nagdilim ang titig nya sakin " bakit? Anong dahilan mo para gawin yon? Alam mo bang maraming gusto makapag aral sa school na yon tapos ikaw sasyangin mo lang? " tinaasan ko sya ng kilay " bakit sinabi ko rin ba sayo na sagutin mo pagaaral ko? " sabay pameywang ko. Nag tiim bagang sya. Nakaramdam ako ng takot pero tinago ko lang. Sa porma nya gusto nya akong suntukin sa inis. " ano bang problema mo!" pigil nyang inis. Napatayo ako ng maayos ng pabalang nyang idantay ang mga kamay nya sa pagitan ng muka ko. Napatingala ako ng tingin sakanya ng medyo lumapit sya sakin. " wala akong problema pwede ba " tinabig ko ang kamay nyang nakaharang pero agad nya ako binalik sa pwesto at diniin pa lalo sa pader dahilan para lalo akong mapangiwi. " bakit ka umiiwas sakin ha, bakit ka aalis sa xavier. Dahil ba sa nanay ko? " taka akong napatitig sakanya. Paano napasok sa usapan namin si tita sandra. " dahil ba sa relasyon ng nanay at tatay mo ?" napasinghap ako sa narinig ko. Pilit kinakalkula ang huling sinabi. " dahil ba sakanila? Kaya ka aalis? " " a-alam mo ? " tanong ko. Napa atras sya. " a-alam mo ang tungkol sakanila ? " nagsimula na gumaralgal ang boses ko. Biglang nawala ang lasing ko dahil sa narinig ko. " alam mo na may relasyon si tita sandra at si daddy? " hindi ko na napigilan at tuluyan na bumagsak ang luhang matagal ko ng pinipigilan. Alam nya? Alam nya at pinili nyang ilihim sakin ang lahat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD