Chapter 1

1360 Words
Chapter 1 Ellie Nagmumukmok ako sa aking kwarto dahil di ako pinayagan ng mommy magpunta sa plaza, pyesta kasi sa amin kaya may paganap si mayor. Gabi kasi ito gaganapin kaya ayaw ako payagan. Kung nandito lang siguro si daddy papayag yun. Wala naman ako ka inte interes sa mga ganyang bagay gusto ko lang pumunta dahil andon ang bandang eraserheads na paboritong paborito ko. " Nakakainis " sabay talukbong sa aking kumot. Ilang oras na ako nagpagulong gulong sa kama. Sa sobrang bagot ko ay nagpatugtog na lang ako ng radyo. Babalik na sana ako ng higaan ng tumunog ang aking telepeno Jana: Girl, dito ako sa labas nyo silip ka sa bintana. Pagkabasa ay agad ako nagtungo sa bintana Nakita ko naman agad ang kaibigan ko na abot langit ang ngiti with matching pagkaway pa. Agad naman ako bumusangot. Minuwestra ko ang aking kamay na hintayin ako. Kinuha ko ang aking telepono at nagtipa. " antayin moko sa tindahan sa kanto, tyi tyempo lang ako tumakas. Sent " Agad nya naman ito nabasa at tumungo na sa aming pagkikitaan. Tinanaw ko sya hanggang mawala sa paningin ko. Aalis na sana ako sa pagkakasilip ng may nakita ako ng grupo ng mga kalalakihan. Agaw pansin naman sakin ang lalaking nasa bandang unahan, natawa ako kasi muka syang emong bano Yung mga kasama nya kasi halos malalaki ang damit at short, taas taas ang buhok na rin ng mga ito. Samantala sya ay may bangs at fitted na pantalon. Somehow ang cute nya lalo na pag ngumiti sya lumalabas ang dimple nya. Yung pormahan naman nya hindi mukang pangmahirap, dami nya ngang blingbling sa kamay kaya tingin ko nakakaluwag luwag sya. " and our next play list is from sitti: Parequest po ako ng close to you dj papi, kanta ko po ito para sa matagal ko ng krass na hanggang tanaw lang sa bintana lang ang kaya kong gawin. More power " Napatingin ako sa radyo nang marinig ang sinabi ng dj wtf ako ba yun? Playing close to you Bumalik ako ng tingin sa labas. Namilog ang aking mata ng makita ko ang lalaking emo. Kumuway sya sa akin at ngumiti. s**t! Why so cute? Napatingin naman kami sa mga babaeng papalapit sakanya. Inakbayan nya ang isang babaeng kinulang na nga sa height, kinulang oa sa tela ang damit. Tss  ma pulmunya ka sana.. asar makalingkis kala mo jowa. Eh baka nga jowa kaya ganun ? Bumalik ako sa kama at humiga ng padabog. Ay affected te? Napatingin naman ako sa telepono ko ng tumunog ito Jana calling " hello? " " oy te anong petsa na naguumpisa na yung program baka patapos na yun bago ka pumunta!!! " nilayo ko sa aking tenga ang cp ko dahil sa tining at lakas ng bunganga ng kaibigan ko. Walang ano ano ay agad ko ito binaba. Bahala sya jan magalit. Sumilip muna ako sa pinto ng kwarto ko. Nakita ko namang patay na ang mga ilaw. Inayos ko ang higaan ko nilagay ko ang unan sa gitna  hinugis ko itong tao at saka nilagyan ng kumot Dahan dahan ako naglakad palabas ng aking kwarto. Pigil hininga ang aking ginawa upang hindi makagawa ng anumang ingay. Nang makarating sala ay natabig ko ang remote na nakalagay sa hawakan ng upuan. s**t! " enrico ikaw ba yan? " Bahagya ako tumigil sa paglakad at umupo. Sumilip si mami mula sa gilid ng pa sala. Maglalakad pa sana sya papunta ng sala ng bigla ako humuni ng parang pusa. " meow... Meow" Tumigil si mommy sa paglalakad " haaay cathywhite " pusa namin bumalik naman sya sa kanilang kwarto Para naman akong nabunutan ng tinik at napabuga ng hangin sa muntikang maudlot ang pagtakas. Pinagpatuloy ko na ang paglayas este paglakwatsa.. Success nakalabas na ko ng tuluyan Hakbang patakbo ang aking ginawa papunta sa meeting place namin ni jana. Pucha baka iniwan na ako nun. Konyat sakin yun. " 332 " bungad sakin ni jana " ha? " pagtataka kong tanong saknya " 332 ang dumaan na sasakyan... Sobrang tagal mo muntik ko na bilangan ang mga bituin " napahalak hak naman ako sa sinabi ni jana.. Kahit kailan galing magjoke neto kahi nakasimangot Agad ko naman sya hinila papunta sa plaza. Mejo malapit lang naman ito samin. Tsaka pag sumakay ka aabutin ka ng syamsyam dahil sa dami ng tao. Rinig na rinig na namin ang hiyawan at kumakanta sa plaza. Para naman akong batang binigyan ng kendi dahil sa tuwang tuwa ako sa aking nakikita. Sa totoo lang hindi ako masyado pala labas. Dahil una pa lang hindi na ako papayagan ng magulang ko maglakwatsa magisa. Unless kung kasama sila. Si daddy okay lang pero si mommy katakot takot na paalam ang gawin ko pero di pa rin ako papayagan. Kaya amg tambayan namin ni jana ay ang bahay namin. Sa sobrang dami ng tao ay halos di na namin makita ang nag peperform. Bukod sa nasa dulo kami maliit pa kami. Sad. Bumili muna kami ni jana ng palamig at ng tusok tusok. " lets all welcome eraserheads" Para naman akong na aligaga sa aking narinig. Kahit na may laman pa ang bunganga ay napasigaw ako. " eraserheads kyahhhhh!! " hinila ko agad si jana at sumiksik sa di mahulugang karayom ng mga tao. " excuse me po.. Excuse me po " sinisiksik ko ang sarili ko hanggang sa makarating sa unahan. Wala ako pakialam kahit magalit sakin ang tao o murahin nila ako dahil sa pagsiksik ko. Ang mahalaga makita ko ng harapan tong idol ko. " hi everyone, we are the eraserheads" sigawan agad ang mga tao. Tss wal pa nga e " nais lang po namin magpasalamat sa butihing mayor sa pagimbita samin. Happy fiesta brgy poblacion " pagkatapos non ay tumugtog na sila Pucha intro pa lang maiinlove kana. Playing Magazine. Pare ko Huling el bimbo Bawat kanta nila ay sinasabayan ng lahat.. Lalo na ako saulado ko lahat ng kanta nila. Napapakapit ako ng mahigpit kay jana sa sobrang kilig tuwing mapapadako ang tingin sakin ng bokalistang si ely buendia. s**t! Heaven. Nang matapos na ang kanta ay nagpalakpakan ang lahat ng may kasamang sigawan. Samantalang ako ay nabitin. " MORE!MORE!MORE" sigaw ko ng paulit ulit Napansin naman ako ni ely... Halos himatayin ako ng ngumiti ito sakin.  Ghad pakasalan mo nako ely! Maya maya ay sinuot nya ulit ang kanyang gitara. " para sayo to binibini " sabay kindat nya sa akin. at ayun na patay na ako. (playing with a smile) Sa bawat pag strum at pag awit ni ely para akong hinihele kulang na nga lang eh dede para makatulog ako. Nang matapos na ay unti unti nbabawasan ang tao kahit di pa tapos  magsalita ang mayor. Niyaya ko na rin umuwi si jana dahil eheads lang naman ang pinunta ko at hindi ang pangako ng mayor na napapako. Char! Nang makalabas na kami sa plaza ay bahagya akong natulak dahil sa  babaeng mahaharot. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng sumanggi sakin " ang sama mo makatingin ah " maangas na sabi ng babaeng kapos sa tela at pagmamahal " ikaw na nga nakasanggi ikaw pa matapang " palaban kong sagot  syempre di ako papakabog " ah! Sumasagot ka pa ah " akma na nya akong sasabunutan ng may humawak sa kamay nya pumagitna. "Loren stop it " malalim na boses ang narinig ko pero ma awtoridad. Hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod ito sa akin. " pagsabihan mo yang girlfriend mo ha! Walang manners! Wala yata gmrc sa school nila "  napatingin na sa amin ang mga tao dahil sa lakas bunganga ko " shut up you b***h " sabay duro sakin ng babaeng bano " you b***h too " sagot ko din sakanya Susugurin dapat ulit ako ng babae ng pigilan sya mg lalaki. " loren let's go " sabay hila nya sa babae. Wala naman nagawa ang babae at sinamaan na lang ako ng tingin. Tinaas nya ang kamay nya at nag pakyu sign Aba walang hiyang to ah. Itataas ko na sana ang kamay ko para gumanti ng biglang humarap sakin ang lalaki. " I'm sorry miss... And She's not my girlfriend. Kuya nya ako " sabay ngiti nya sa akin kita dimple Para namang may kung anong naglaro sa tyan ko na di mawari parang hinahalukay  Nag init ang mukha ko na parang sinampal ng magasawang sampal. Hindi ko marinig ang sinasabi ni jana dahil sa nakakabinging pintig ng puso ko. Kitang kita ko sa malapitan ang mukha nya. Mas gwapo sya sa malapitan sarap pisitin ng ilong nya sa sobrang tangos. Ang gwapo naman ng emo na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD