SIMULA

1097 Words
LET SAY for a moment that I disobeyed their requests. I also broke the promise that I made to Yéyé. Who’s my grandfather. “Shì de, bàba,” Yes, Dad. Matipid kong sagot at agad naman pumalakpak ang aking ama. “That’s good to hear, my nǚ'ér!” My daughter. Isang tipid lamang na ngiti ang ibinigay ko. “I know that your Yéyé, will be proud! Ikakasal na ang kaniyang paboritong apo sa isang Del Cantara!” He spoke during our meal at a very large, long table with my mother and sister. Wala naman sa akin kung ikasal ako sa kung sino. Ang problema ay asahan niyang wala siyang mapapala sa akin. I can offer him my whole self, but not my heart. “Bàba! I wonder if Ali can handle this much? How come she's not able to marry the man she loves?” Ibinaba ko ang aking kubyertos at hawakan ang palad ng aking kakambal. Malakas na hinampas ni daddy ang mesa, kahit si mommy ay nagulat sa tabi nito. “It’s your sister choice, Abigail. That’s how much she love this jiātíng!” Family! Ramdam ko agad ang nginig sa kamay ni Abi. Kahit ang mga mata niya ay namumula na sa galit. “Māmā! Shuō xiē shénme!” Mama! Say something! Ngunit hindi pinansin ang kapatid ko ng aming ina. “Nasa harapan tayo ng pagkain, Abi. Kumain ka na.” Padabog na ibinaba ni Abi ang kaniyang palad sa mesa. “Abi…” Mahina kong tawag sa pangalan niya. Pinagmasdan niya ako nang may lungkot sa mga mata. “Ali, you suffer from this family far too much. It's best to marry the one you genuinely love! Not this. Sige na, Ali. Tumanggi ka na sa gusto nila Mama at Papa,” wika nito’t hawakan din ang kamay ko. Nilingon ko si daddy na siya itong ngumunguya ng karne. “I know your Yéyé will be mad at you, Ali. Ang mga Chan ay tumutupad sa kanilang mga ipinangako,” ani ng daddy. “Yéyé is dead!” Malakas na sigaw ni Abi, nang buhusan siya ni mommy ng tubig. “How dare you?!” Galit na tanong ni mommy, nang tumayo na ito sa kaniyang kinauupuan. “Kung hindi dahil sa lolo niyo—hindi niyo matatamasa ang ganitong buhay! You should be grateful, Abi! Hindi mo katulad ang kakambal mo!” Mommy grinned and stated. “Ali, saves us from this cruel world! Ang bahay at kayamanan na mayroon tayo ngayon ay dapat sa inyong Shūshu!” Uncle! “So what exactly did your sister do? In order to save this family and you, Abi, she made the decision to accept and promised your Yéyé to marry a Del Cantara when she turned twenty-five!” Pagbalik ng kwento ni mommy sa aming nakaraan na buhay. Hindi kami natapos kumain, nang maunang umalis si Abigail. Nakita ko kung paano umiyak si mommy sa braso ni daddy. Pinagmasdan ko ang buwan, nang makalabas ako sa bahay. Noong sixteen years old kami ni Abigail, ay na bankrupt ang kumpanya ni daddy. Ang anak ni Yéyé ay si mommy. In Chan family, only the son can inherit the company. Kaya alam kong may galit sa amin ang kapatid ni mommy na si Jiāng shūshu. Uncle Jiang. Kahit ang malalapit kong pinsan ay malayo na rin ang loob sa amin. Nangunguna ang kumpanya ni Yéyé sa Pinas, bilang isang Shipyard. Simula nang mangako akong magpapakasal ako sa hindi ko mahal ay isinarado ko na ang puso ko. Ayokong dumating ang araw na mahirapan akong tuparin ang pangako ko sa lolo ko. Saglit lamang nang maramdaman kong may tumabi sa gilid ko. Halos para lamang akong tumapat sa salamin. Kamukhang-kamukha ko ang kakambal kong si Abigail Chan. Isang malakas na pagsinghap lamang niya ang narinig ko. “You should runaway from this family, Ali.” Natawa lamang ako sa narinig kong sinabi niya. “You know that I can’t,” sagot ko. “Narinig ko na next month na ang kasal mo. F*ck this family! Tā mā de!” Damn it! Humalakhak lamang ako at pagmasdan ang kakambal ko. Ngunit nang makita ko siyang lumuha ay parang nadurog ang puso ko. “C’mon! Don’t cry, Abi! Hindi naman ikaw ang ikakasal.” Mahinhin kong sambit, ngunit sumimangot lang siya sa akin. “Kilala mo ba ang mapapangasawa mo? They say he’s a bastard, Ali! Ang mga Del Cantara raw ay mga bastardo! Mayayaman pero mga siraulo!” Galit niyang singhal, habang nakayakap sa akin. “At hindi siya bagay na maging asawa ng mabait kong kakambal! Nakakainis! Dapat ako na lang ang nangako kay panot, e!” Hinampas ko nang kaunti ang braso niya. “Huwag mo ngang tawaging panot ang lolo natin. Siya ang nagbigay ng pera sa atin noong kailangan mo ng liver transplant. Siya ang naghanap ng donor mo,” ani ko pa. “Huwag mo nga iyang ipaalala sa akin at naiinis lang ako. I mean, thank you! Pero kung ang kapalit ng muling pagkabuhay ko ay ang maging miserable ang maging buhay ng kakambal ko? Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko, Ali.” “Hindi mo kasalanan kung nagkaroon ka ng sakit na ganiyan. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Masaya naman ako, e. Kànzhe wǒ!” Look at me! Sabay isang malaking ngiti ang pinakita ko sa kaniya. “Nǐ bù shàncháng shuōhuǎn.” You’re not good at lying. Nawala ang ngiti ko sa sinabi ng kapatid ko. “Alam ko kung ano ang tunay na ngiti mo. Hindi ko na nakita iyon nang ilang taon, Ali. Hindi ko rin kayang panoorin ka sa kasal mo.” Nalungkot ako sa aking narinig. “Sana ay bago ka ikasal ay gawin mo muna ang gusto mo, Ali. Mag-out of town ka! Hindi ba at gusto mong pumunta ng Spain?” Taas kilay niya pang tanong sa akin na may ngiti sa mga mata nito. “Wala na akong oras, Abi. Gustuhin ko ma—” Hindi ko iyon natuloy, nang tumulo ang luha ko. “Gusto ko mang sumaya, pero hindi na pwede, Abi. Ayoko ikasal sa kaniya… ayoko mag-I do, sa harap ni Lord. Ayokong magsinungaling na aalagaan ko siya at mamahalin, habang nabubuhay ako, Abi!” Lumakas ang iyak ko. Isang madiin na yakap lamang ang kaniyang ginawa sa akin. “Stop crying, Ali! You’ll go to Spain! Ako ang pupunta sa simbahan sa kasal mo. Magpapanggap akong Alisha Chan at papakasalan ko ang bastardong Del Cantara na iyon!”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD