2: Office
Danielle Andrea Lorenzo's POV
"Nakahanap ka na ba kung saan ka mag-a-apply ng OJT?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Phia.
Nasa library kami ngayon. Meron kaming two hours break at sa dinami-rami ng lugar na puwedeng pagtambayan ay dito pa talaga sa library niya naisipang mag-aya. Hindi ko naman talaga hilig ang library dahil hindi naman ako mahilig magbasa, pero puyat ako kaya naman gusto ko sanang matulog, at ito ang one of the best place to do that here in school. Grabe rin naman kasi yung professor namin. Katatapos lang ng exam pero hindi pa naisipan na ikansela ang pasok ngayong araw tutal sabado naman. Kung makapagbigay ng schedule meeting ay para bang laging may hinahabol na oras. Pero sabagay, isa sa pagpapahalaga sa oras ang itinuturo sa amin bilang sa business management kami. Pero kahit na, kung alam ko lang na tuloy ang klase ngayong araw sa dalawa naming prof ay sana naghintay na ako ng ngayong gabi bago mag-bar.
"Iniisip mo na iyon? Pwede naman 'yon next school year," sabi ko habang inookupa ang isang sofa. Pumwesto kami sa sulok kung saan may paikot na sofa area at mesa kung saan puwedeng mag-aral. Madalas na namin itong puwesto sa tuwing tumatambay kami rito. Siya ay para magbasa at ako naman ay para matulog.
Pinagkasya ko ang sarili ko sa single sofa. Ang hita at binti ko ay nakapatong sa kaliwang arm rest at sa kabila ay ang ulo ko. Naka-pants ako kaya naman kahit papaano ay komportable ako. Required sa aming mga business management ang formal attire at uniform, alternate. Pero Sabado kaya puwede kaming naka-casual clothes ngayon. Kaya paborito ko ang araw na Sabado dahil walang puwedeng sumita sa akin tuwing rarampa ako. Kagaya ngayon na naka crop top shirt ako at lose pants.
"Elle, hindi mo ba 'yon kukunin this summer? Kasi ako plano ko nang mag-OJT sa summer para hindi ko na iyon iintindihin next school year. Busy na tayo sa thesis niyon." Pinanood ko siyang maupo sa katapat kong sofa. Ipinatong niya sa mesa sa paggitan namin ang novel na binabasa niya. Bukod sa studious ay nerd din siya. Best friend ko siya pero magkaibang-magkaiba ang ugali namin. Actually, hindi ko rin alam kung bakit mahal ko itong babaeng 'to.
Naalala ko tuloy si Luxipher. Parang siya si Lux, ang kaibahan lang ay lowkey lang siya, habang si Luxipher ay kilala dahil kilala rin sa school ang ama nila ni Astra. Bigla tuloy akong napaisip. Kilala kaya ako ni Luxipher? Bahagya akong umiling. Tinatanong pa ba iyon? Syempre hindi. Wala naman akong ginawa dito sa school para makilala. Mas malaki pa ang posibilidad na kilala niya si Phia since matalino siya.
"Seryoso ka ba? Ayoko pa! Andami ko kayang gustong gawin sa Summer. Gusto kong mag-beach, mag-Hongkong. Ayoko pa ng work!" madrama ang pagkakasabi ko na parang inagawan ako ng buhay.
Napailing siya at sinimulang buksan ang librong hawak niya. Malapit na siyang matapos doon. Sumimangot na lang ako at pumikit. Sanay na akong ganito siya, libro ang kaharap lalo na kapag nag-iinarte ako o nagdadrama. Pumikit na lang ako. Dinadalaw na ako ng antok ko nang may tumikhim sa gilid ko.
"Danielle?"
Minulat ko ang mga mata ko. Una kong tiningnan si Phia. Namimilog ang mga mata niya habang nakatingin sa likod ng sofa na kinahihigaan ko. Takang tiningnan ko iyon at pati ako ay nagulat nang makita na si Luxipher iyon. Bahagya kong iniangat ang katawan ko upang tugunan siya. Nakatayo lang siya roon at nakatungo sa akin.
"Wow, one interaction lang pala ang kailangan mo para lapitan ako?" sarkastiko kong sinabi. "At tanda mo pa ang pangalan ko, ha. Ayaw mo akong tawaging Elle? Iyon ang tawag sa akin ng mga friends ko."
Kumunot ang noo niya. Nakita ko ang pagsulyap niya kay Phia bago muling ituon ang pansin sa akin. Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya. Kung nasa movie lang ako ay siguro plus points sa kapogian niya ang pagiging masungit, pero kailangan kong i-remind sa sarili ko na hindi masarap magkajowa ng masungit.
"I'm not here to act like we're close just because of what happened last night-" natigilan siya ng biglang nasamid si Phia. Nagpigil ako ng tawa nang sa tingin ko ay alam ko na kung ano ang intindi ni Phia sa sinabi niya kaya ganoon ang naging reaksyon niya. Humingang malalim si Luxipher at muling ibinalik ang atensyon sa akin, trying to ignore her. "Can we talk somewhere else?"
Wala akong maisip na dapat naming pag-usapan, pero dahil curious ako ay sumama na lang ako. If curiosity really does kills the cat, then RIP to me. Dinala nya ako sa isang bahagi ng library sa paggitan ng mga shelves. Pilya akong sumandal sa isang shelves habang kaharap siya. Dinala niya ako sa masikip at pribadong lugar. May gusto ba siyang gawin sa akin? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. He's wearing a blue polo shirt and a white pants. The sleeves are fit enough to expose his biceps. Even his masculine neck to shoulders are too obvious. Hindi siya 'yong nerd style kahit na ganoon ang dating niya sa lahat dahil sa mga achievements niya sa school. Plus points iyon sa akin, kasi ayoko sa mukhang mabait, hindi kami bagay.
"Where's my brother?"
Napakurap ako at taas ng kilay. Nawala ang pagpapantasya ko sa kaniya dahil sa bigla niyang tanong.
"Ano?" na para bang bigla akong nabingi.
He inhaled through his nose. "Hindi siya umuwi, kahit sa condo niya. I'm trying to call him but he's not picking up."
Napanguso ako. Hindi nga pala namin itinanggi na magkarelasyon kami ni Astra. Of course sa akin niya hahanapin ang kapatid niya. Hindi ko na rin naman kasi inaasahan na magpapansinan pa kami dito sa school so I didn't mind.
Nagkibit-balikat ako. "What did you expect? After you judged him, you are expecting him to go home or to talk to you?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Nanliit ang mga mata niya sa akin. "If you're trying to lecture me on how to handle my brother, you should stop right there because I don't need it. Just tell me if he's okay and tell him to call me back."
Umikot ang mga mata ko. "Trust me, you need someone's advice on how to handle your brother because you clearly don't know how."
Dumiretso na ako ng tayo at iiwan na sana siya ngunit pinigilan niya ako sa braso ko at muli akong isinandal sa shelves. Papalag sana ako pero iniharang nya agad ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko. Pasimple akong huminga ng malalim nang may kung anong dumaloy sa sistema ko nang magtama ang mga mata namin. He's so close to me, and I don't know how to react for I don't know reason.
"Did he say that to you?"
Lumunok ako at pinakalma ang sarili ko. I composed myself to hide this strange feelings inside me. Ayokong makita niya iyon.
"Hindi niya kailangan na sabihin sa akin. Dahil unang-una, hindi mo siya sa akin hahanapin kung nakinig ka lang sa kaniya kagabi."
Umigting ang panga nya saka dumiretso ng tayo. Para akong nakahinga ng maluwag nang nadagdagan ng distansya ang mga katawan namin. Wala na rin ang mga braso niya sa gilid ko.
"You two are in trouble so I needed to fix your mess, and then suddenly it's my fault?"
I c****d my head. "E, hindi nga namin kasalanan 'yong nangyari, pero syempre hindi mo iyon alam kasi hindi mo hiningi muna ang paliwanag niya bago mo siya i-judged. Kaya nga rin nandito ka at hinahanap sa akin ang kapatid mo, 'di ba?"
"Dahil girlfriend ka niya-"
"Which is not, you just assumed that I'm his girlfriend because why?" Pumitik-pitik ako sa ere na para bang iniisip ang tamang term na gusto kong sabihin. "Ah, kasi binase mo sa judgement mo, kasi bakit nga naman magkasama sa iisang bar ang babae't lalaki, ano? You're just gonna accept whatever narrative will fit in your judgment, so you don't need to ask what really happened."
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Mula sa pagkapikon ay napalitan ng gulat at pagkagulo. Tila hindi niya alam ang magiging reaksyon niya at sasabihin. Muli ko siyang inikutan ng mga mata ko.
"Hindi kami ang nagsimula ng gulo kagabi, tinawagan ka niya kasi kailangan niya ng kakampi, pero hindi kakampi ang nahanap niya sa iyo, kaya huwag ka nang magtaka kung hindi ka niya uwian."
Pinagmasdan niya lang ako, tila naghahanap ng sasabihin. Pero bago pa niya mahanap ang mga salita na iyon ay pareho kaming natigilan at napabaling sa iisang direksyon nang may biglang tumikhim. Ang isa sa professor namin iyon, nakataas ang isang kilay niya habang pinagsasalin-salinan kami ng tingin. Katabi niya si Phia na nakangiwi habang nakatingin sa akin. Minamatahan niya ako, may gusto sya sa akin sabihin na hindi niya masabi dahil sa katabi nya.
"I hope both of you know that Public Display of Affection isn't allowed here," sabi ni Mrs. Quampao sa striktong tono.
Bumagsak ang balikat ko. "We're not in the public-" Napahinto ako sa pangangatwiran nang hawakan ako sa may pulsuhan ni Luxipher para agawin ang pansin ko. Minatahan niya ako para patigilin at saka tumikhim at bumaling kay Mrs. Quampao.
"Apologies, Ma'am."
Hindi ko mapigilan ang pag-asim ng mukha ko. Ang baba naman ng pride niya. Sorry agad? Wala naman kaming ginagawang masama ah.
Tinanguhan siya ni Mrs. Quampao bilang pagtanggap ng paumanhin niya at saka muling bumaling sa akin sa may mataray pa rin na mukha. She's my History Professor, kaya naman sanay na ako sa kasungitan niya. Hindi ba tinuturo sa History ang 'wag maging masyadong masungit? Nang sa ganoon ay may matutunan naman siya sa itinuturo niyang subject, para hindi naman kami mapagbuntungan.
"Miss Lorenzo, go to my office." Namilog ang mga mata ko at tinuro ang sarili ko. Tumango siya. "Ayokong inuulit ang sinasabi ko, you know that, Miss Lorenzo."
Nagkatinginan kami ni Luxipher. Umikot na si Mrs. Quampao at nagsimulang maglakad. Muli niya pa akong nilingon para siguruhin na sumusunod ako sa kaniya. Doon pa lang ako kumilos, at doon ko lang din na-realized na hawak pa rin ni Luxipher ang pulsuhan ko. Napatingin din siya roon bago muling ibinalik sa mukha ko ang mga tingin niya. He leaned towards me and whispered to my head.
"Find me if I can do something to help you, I'll be there." Napatitig lang ako sa kaniya. I have no idea why she needs me in her office, but I feel nervous about it. At pakiramdam ko ay nadama niya iyon kaya niya iyon sinabi.
"Miss Lorenzo!"
Halos mapapitlag ako. Tumango na lang ako kay Luxipher. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin o kung dapat ba niyang malaman, na ang simpleng pangako na iyon ay nagpakalma sa kalooban ko kahit papaano. Knowing that he's ready to back me up, somehow made me feel at ease.