Chapter 15

3741 Words
Kinakabahan ako. Ngayong araw kasi kami pupunta kila Rhenuel para makilala ang pamilya niya. First time kong pupunta sa kanila at ito rin ang unang pagkakataong makikilala ko ang pamilya niya. Patay na ang Mama ni Rhenuel at hindi na sa bahay nila nakatira ang pangay nilang mag kapatid. Tatlo lang sila sa bahay, ang papa niya at ang bunso niyang kapatid na lalaki. Bago kami magtungo sa kanila ay dadaan muna ako sa Speed 7 para makipagkita sa mga kaibigan ko. Gusto raw kasi nilang mameet ang boyfriend ko kahit na nameet naman na nila. Ang paalam ko kay mama ay makikipagkita lang ako kila Lior. Medyo naging paranoid kasi si mama simula noong nagkabuntis si kuya. Gusto niya ay alam niya lahat ng galaw ko at kung saan ako pupunta. Maayos naman na sila ni kuya pero yung tiwala niya sa'min ay parang nasira na. Hangga ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob na ipakilala si Rhenuel sa kanila bilang boyfriend ko. Tuwing magkikita kami ay kung ano anong palusot ang sinasabi ko. Sa tingin ko kasi ay hindi niya ako papayagan kapag sinabi kong si Rhenuel ang kasama ko, hindi na kasi ganoon sa dati na kahit sino pang kasama ko ay okay lang basta makauwi ako ng ligtas. Malaki laki na rin ang tiyan ni ate Maddy. Noong nakaraang buwan lang sila kinasal bago ang pasko. Simple lang iyon dahil sa west lang sila ikinasal. Simpleng handaan lang din. Inimbita pa ni mama si Rhenuel, close pa rin naman sila,pero tingin ko ay mas gusto niyang naroroon siya at  nakikita niya kami tuwing  magkasama kaming dalawa. Nakasuot ako ng cream roll sleeve blouse at tinernuhan ng denim jeans at vintage flat sandals. Inipit ko ang buhok ko gamit ang iniregalo sa'kin ni Rhenuel noong nanliligaw siya. Rose ang pinili kong design ng hairclip. Nakaupo ako at naghihintay sa mga barkada ko. Mamaya pa naman darating si Rhenuel dahil may inaasikaso  raw sila sa bahay. Nagchat ako sa GC Aissang: anuna? Makakarating pa ba kayo? Liordyosangbakla: egzoited ang ate mo gorl. Aglit lilipad na ako para sa'yo wit ka jan, spread ko lang wings ko. Enni: sandali naman porket may jowa ka na, nagiinarte ka na ng ganyan. Hayys people nowadays Deby: oh sandali sabihan ko lang iyong driver na paliparin na itong jeep. Nagmamadali eh. Liordyosangbakla: kapag ako nakita ulit niyang jowakers mo, iiwanan niya yang beauty mo. Sineen ko nalang silang lahat. Tumingin tingin ako sa paligid. Tumayo ako saglit, wala namang masyadong tao ngayon sa Speed 7 kaya kahit iwanan ko ang upuan ay hindi kami maagawan. Tinignan ko ang itchura ko sa may salamin. Ang ganda ko talaga dito sa salamin nila. Kinuha ko iyong liptint ko at nag nilagyan ang labi ko. Ngumuso pa ako at nag smile smile. Pak! Ganda! Bumili ako ng maiinom ko para naman hindi lang ako basta tambay dito. Maya maya lang ay umingay na ang paligid halos sabay sabay dumating ang tatlo. "Oh andy tow na ako. Medyo na haggardose ako roon. Wit nga mag reretouch ako." Kumuha siya ng tissue at pinunas punas ang ang mukha niya. Ang arte ni baks. Simpleng shirt lang na light pink ang suot niya at lenin shorts. Imbes na magmukha siyang feminine sa suot niya ay mas lalo lang siyang nagmukhang lalaki. Wala namang kolorete sa mukha niya kaya hindi siya mukhang bakla. Hindi mo nga mahahalata na zigzag 'yan kung hindi siya mag sasalita eh. "Oh wala pa naman pala yang jowang pinagmamalaki ko eh." Umupo si Deby sa tabi ko. "At dahil d'yan ibili mo'kong pagkain." Kinuha ni Enni iyong iniinom ko. Sumimangot lang ako sa kanila. Tumayo ako. "Anong gusto niyo?" tanong ko. Halos sabay sabay na bumuka ang bibig nila. Mga OA. "Surist ka d'yan 'teh?" "Weh totoo?" "Yiehh ano lang kahit footlong lang tsaka smoothie." Tinignan ko sila Lior at Deby. "Ano? Wala kayong ipapabili?" agad silang ngumiti at sayang saya ang mukha. "Ako kahit siopao lang tsaka tubig iyong malamig ah dagdag ka na rin ng chichirya, siguro tatlo dapat matatamis ah," sabi ni Deby habang  inaayos ayos ang buhok niya. Inismiran ko siya. "May pagka demanding ka rin eh 'noh Deby," aniko. "Syempre minsan ka na nga lang manlibre eh lubus lubusin na natin." Humalakhak pa ang panyera. Binalingan ko lang si Lior."Ikaw anong gusto mo?" "Iyong jowa mo pwede?" "Sorry ka baks off limits na'yon. Akin na siya eh," sabi ko at ngumisi. "Ang damot ng ate mo ghorl. Sige I want some carbonated drink and a mixture of flour, water, salt and yeast," maarteng saad niya, may papilantik pa ang daliri niya. "Ang shena mo, softdrinks lang at tinapay 'yang sinasabi mo eh." Umalis na ako at binili ko lahat ng sinasabi nila. Mayroon pa naman akong nakatagong pera at dahil nga ako ang nagyaya at nangabala ay ako na ang manlilibre sa kanila. "Oh, ayan mga kamaha..langs." padabog kong pinatong ang mga 'yun sa taas ng lamesa. "Ayy nagdadabog oh parang labag sa loob," ani Lior. Kinuha naman niya ang mga parte niya. "Hayaan mo atleast libre 'yan." Kinuha na rin ni Deby ang kaniya. Kaniya ang pinaka marami. "Oks lang atleast may makakain." 'Ayun na si Enni at nauna nang kumain. Nagkwentuhan lang kami saglit at ilang sandali lang ay dumating na si Rhenuel naka tank top siya na kulay white kaya kitang kita mo ang biceps niya at blue chinos sa ilalim. May cap siya sa ulo, pabaligtad niya iyong sinuot. Nakasubo sa bibig niya ang lolipop, medyo nakalabo pa ang isa niyang pisnge dahil doon. "Can't blame you 'teh kung bakit ang damot mo, pinagdadamot talaga ang mga gan'yang nilalang. Ang hot ng lolo mo." Nakatitig kaming lahat sa kaniya. Ang presko niyang tignan sa suot niya pero dahil sa lolipop na nasa bibig niya ay para siyang bata, idagdag mo pa ang cap na suot niya na mas nagpadagdag sa appeal niya. Ngumiti siya matapos alisin ang lollipop sa bibig niya, makikita ang mapuputi niyang ngipin sa klase ng pagngiti niya. Medyo lumiit din ang mata niya dahil doon. Impit na napa ungol ang bakla sa tabi ko. Lampastangan! Hinarap ko si Lior at kinurot sa tagiliran. Dumaig naman siya. "Arouch ko naman!" Sinamaan niya ako ng tingin. "Ikaw ah, huwag mong isipan ng masama 'yang boyfriend ko. Malilintikan ka sa'kin." "Ang scray mo ah. Sa'yo na. Ang dami pa namang fafa d'yan sa tabi tabi 'noh." Inirapan niya ako. Umupo na si Rhenuel sa tabi ko. Kagat kagat na niya ang lollipop. Bakit ba lollipop ang parati kong napapansin. Lumipat si Deby sa harap kung nasaan sila Lior at Enni. Kaya naiwan kaming dalawa ni Rhenuel sa upuan. Kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan 'yun. Tinignan ko naman siya at pinanlakihan ng mata pero nginitian niya lang ako. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "Sorry jo na late ako may pinaayos pa si papa eh surpresa niya sa'yo," mahina niyang bulong. Hindi ko alam pero kinabahan ako surpresang tinutukoy niya, masama ang kutob ko doon. "Ano Aissa maghaharutan nalang kayo d'yan?" narinig ko si Deby, napatingin tuloy ako sa kanila. Pare-pareho silang nakasimagot at parang bagot na bagot habang nanunuod sa'min. "Baka kasi nandito kami para makilala iyang boyfriend mo kahit nakilala naman na namin. Nangiingit ka lang eh." Umirap pa si Enni at tumingin sa pagkain. Si Lior ay nakatitig na kay Rheneul. Parang may ibang ibig sabihin ang titig ni Lior eh. "Ah guys. Si Rhenuel pala 'yung baliw na baliw sa'kin boyfriend ko na siya ngayon." Tumawa ang katabi ko. Ngumiwi lang sila. "Medyo lapaks 'yang fes mo  eh 'noh." Tumayo si Rhenuel ay nilahad ang kamay niya kay Lior. "Rhenuel pre," "Ayy....." inilagay niya sa dibdib niya ang kamay niya sa maarteng paraan. "Bastos ka rin ah, naririnig mo ba ang boses ko? Pre? Putspa," sabi ni Lior na nag maarte pa. Tinanggap niya rin ang kamay ni Rhenuel. "Lior pare." Tumayo si Lior  at pinisil pa niya ang kamay ni Rhenuel. Panlalaking boses ang ginamit niya. "Kaibigan pala ni Aissa, alam kong nagkita na tayo noong una pero magkaiba ngayon dahil girlfriend mo na ang kaibigan ko," aniya at sumeryoso ang mukha niya. "Nakikita mo 'to?" Itinaas niya ang kamao niya. "Ito ang tatama sa mukha mo kapag 'yan sinaktan mo," para akong nangilabot sa boses niya. Buong buo ang boses niya at lalaking lalaki. Bigla ay nagiba ang seryoso niyang mukha. Lumambot ang expression ng mukha niya. "Pero kapag ikaw nasaktan niyan, nandito lang ako kayang pumalit sa kaniya." Hinawi niya pa ang imaginary hair niya sa tengga niya at nagsmile nang pa cute. Umawang ang bibig ko. "Mamahalin kita ng bonggang... Bongga!" 'Ahyun,'yun talaga ang motibo ni bakla may pa suntok pa siyang nalalaman. Umiling iling lang ako. Tumawa naman si Rhenuel at pilit na iniaalis ang kamay niya sa pagkakahawak ni Lior. Inilahad ni Rhenuel ang kamay niya kay Deby, agad namang tinggap ng bruha. "May tanong lang ako sayo Rhenuel," aniya. "Ano 'yun?" "Pumapatol ka pala sa pader?" Sinabunutan ko siya. Aba ang babaeng ito! Akala mo laki ng future niya ah. "Aray ko naman!" inalis niya ang kamay ko sa buhok niya nagkasamaan kami ng tingin. "Panyera kang babae ka!" "Panyera ka rin! Plat ka naman talaga eh. Hindi mo pa matanggap?" Tumaas pa ang kilay niya. Hayys. "Hindi naman siya Flat eh. Cute size lang, parang iyong height niya." Pinisil pa niya ang ilong ko. Sumimangot lang ako sa kaniya. "May lahi ba siyang mangkukulam? Ginayuma niya yata ako eh," tanong niya sa mga kaibigan ko. Pinagkunutan ko siya ng nuo. "Oo. Half witch and half b***h 'yan," sagot ni Lior. Simula kaninang dumating si Rhenuel ay hindi ko pa narinig na nagsalita si Enni. Tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa mga pagkain at parang ang lalim ng iniisip. Tumaas ang tingin niya kay Rhenuel. "Kung magiging bulaklak man si Aissa at siya ang pinaka magandang bulaklak na makikita mo, pipitasin mo ba siya?" seryoso niyang tanong kay Rhenuel. Napalunok naman ako. Iba kasi kapag nag seseryoso mga barkada ko eh parang hindi ko sila kilala. Mas sanay ako kapag abnormal ang ugali nila. Tumingin sa'kin si Rhenuel at mataman akong pinag masdan. Ngumiti siya at hinarap si Enni. "Hindi. Sa oras na pitasin ko siya at angkinin dahil ayaw kong maagaw pa siya ng iba 'yun din ang oras na ikamamatay niya. I will water that flower each day and make it grow, I know It looks more beautiful when It blooms." Tumingin siya sa'kin. Mababasa mo ang paka sinsero sa mata niya kaya ngumuti rin ako. Nagkwentuhan lang kami at pa tungkol sa'kin halos. "Ayy naalala niyo noong grade 9 tayo. Nakipamyesta tayo tapos si Aissa nagpopo sa school kasi ang daming kinain noon," pagkukwento ni Deby. Namula ang mukha ko sa hiya. Bakit kailangan pa nilang sabihin iyon sa harap ng boyfriend ko nakakahiya! Tawang tawa naman siya. "Ouuyy tama na iyan nakakahiya!" Tinakpan ko pa ang mukha ko. "Babypopo," bulong ni Rhenuel sa tengga ko. "Bwisit ka!" Tumawa lang silang lahat.Natapos din agad ang kwentuhan namin. Tawa lang sila ng tawa habang kinukwento lahat ng mga fail moments ko kay Rhenuel at nakasimangot lang ako buong pag uusap. Noong bandang hapon ay pumunta na kami kila Rhenuel. Nanlalamig ang kamay ko. Naninigas ako sa kinatatayuan ko. Malapit na kami sa bahay nila pero napahinto ako at huminga ng malalim. Tumawa naman ang kasama ko. "Sabing 'wag kang kabahan eh." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil pisil iyon. Parati niyang ginawa 'yun para pakalmahin ako, effective naman lalo na tuwing ngingiti siya sa'kin. "Jo, kasama mo iyong pinakagwapo mong boyfriend bakit ka kakabahan?" Kumindat pa siya at inilapit ang mukha sa'kin. Bahagya ko siyang sinampal. "Tumigil ka nga! Kinakabahan ako eh." Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya at dinama kung gaano kalakas ang kabog noon. Inhale.... Exhale.. "Tara na." Hinila na niya ako doon. Bago kami makapasok sa loob ay may mga upuang nakalinya, mula sa b****a ng pinto hanggang sa kusina. Bawat upuan ay may mga papel na maliliit ang nakapatong doon. "Mag test ka na jo hahahaha tapos na ako d'yan kanina. Kailangan pareho ang mga sagot natin," sabi niya. Ano 'to? Seryoso? Papaano kapag nagkamali ako anong mangyayari? Hala bakit may ganito. Umalis si Rhenuel. Hala anong gagawin ko. Tumingin tingin ako sa paligid. Maliit lang ang sala pero maganda ang pagkakaayos ng mga gamit. Luma ang mga muwebles pero malinis. May second floor ang bahay pero maliit lang ang espasyo na nasa itaas. Dalawang maliit lang na kwarto iyon at nasa bandang kusina ang hagdan paakyat doon. Hindi ko masyadong tanaw ang kusina pero alam kong naroroon lahat sila dahil doon pumunta si Rhenuel kanina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Nanginginig ang kamay ko habang kinukuha iyong papel. Nakatupi iyon noong kinuha ko. Binuksan ko 'yun at nakagat ko ang labi ko noong mabasa ko ang laman. Aristotle defines beauty as having order, symmetry and definiteness but I simply define beauty as you. Lumakad pa ako at muling kinuha ang papel sa sunod na upuan. I once thought that I will never see an angel in this lifetime but the moment I see  you walk towards me, makes me realized that I have found one. Nakangiti ako habang binabasa ko ang mga iyon. Sinunod ko ang pangatlong upuan at binasa iyon. Parang may kung ano sa dibdib ko ang natutunaw. Your eyes is my favorite star Your smile is my favorite site Your lips is my favorite sweets and you..... are my favorite person. Sunod sunod ko lang binasa ang mga iyon at pareparehong kasiyahan ang nadarama ko sa bawat salitang nakasulat doon. A doctor can give me a medicine A teacher can give me a knowledge A  police can give me a protection  but only YOU can give me the world I needed. Hindi ko alam pero umaapaw ang sayang nararamdaman ko. Iyong kaba ko kanina ay naglaho at pinalitan ng sobrang kasiyahan. Lumapit ako sa kasunod na upuan at binasa kong muli ang nakasulat. I'm searching for the brightest star but what I have found, is your sparkling eyes. Hindi na yata maaalis ang ngiti sa labi ko. Punong puno ang dibdib ko nang iba't ibang emosyon. There are things that good to be together; Salt and pepper, bread and butter, soap and water, but I think you and me are better. Natawa ako. Sinabi na niya ito noon sa'kin noong time na nag chachat lang kaming dalawa. Sumulong pa ako at nakita ko na ang kusina nila dalawang upuan nalang ang natitira. Life can be short or long Love can be right or wrong And if I chose the one I'd like to help me through I'd like to make it with you I really think that we could make it, girl.                         - make it with you Binasa ko 'yun at tumingin sa kanila. Nakatayo si Rhenuel malapit sa lamesa at nakaupo naman ang pala at kapatid niya. Kapwa may hawak ng music instrument. Ang papa niya ay may dalang guitara at ang kapatid niya ay nakaupo doon sa beatbox.                             My love for you will never fade My heart is always for you babe And your lips is the only one I'll taste So take my hand, as we walk  to the world that we create.                         - I love you 'Yun ang huling nakasulat doon. Nilahad ni Rhenuel ang kamay niya at nagsimula nang stream sa guitara ang papa niya, sinbayan ito ng beatbox ng kapatid niya. Nagsimulang mag humm si Rhenuel. Hawak niya ang kamay ko at nakatingin sa mata ko habang nakangiti. Hey, have you ever tried Really reaching out for the other side? I may be climbing on rainbows But baby, here goes Dreams, they're for those who sleep Life is for us to keep And if you're wondering what this song is leading to I want to make it with you I really think that we could make it, girl Ang ganda ng boses niya,kasing ganda ng mata niya. Nakatitig lang kami sa isa't isa at parang tangang nakangiti. Dinama ko ang bawat pagbigkas niya sa mga salita. Iniikot niya ako at parang isinasayaw. Natawa tuloy ako. Hindi ko na alan kung nasaan kami at kung sinong mga tao sa paligid dahil ang tanging nakikita ko ay siya nalang at ang tanging naririnig ko ay ang malamig  niyang boses na nagdadala sa'kin sa ibang dimensyon. No, you don't know me well And every little thing only time will tell If you believe the things that I do And we'll see it through Life can be short or long Love can be right or wrong And if I chose the one I'd like to help me through I'd like to make it with you I really think that we could make it, girl Natapos ang kanta, hawak na niya ang dalawa kong kamay. Gusto kong maluha sa sobrang saya. Niyakap niya ako. Dati hindi ako naniniwala sa tears of joy dahil akala ko lumuluha kalang dahil malungkot ka. Ngayon na naransan kong lumuha dahil sa saya ay doon ako na niwala. "I love you," bulong niya malapit sa tenga ko. "Bwisit ka." "Awiehh si kuya ang landi. Natuto ka na sa'kin ah kuya. Sabihin mo kuya salamat bunso! " katyaw sa'min ng kapatid niya. Naitulak ko tuloy siya. Napayuko naman ako dahil masyado akong na overwhelmed kaya nakalimutan kong nandito ang pala at kapatid niya. Inaangat ko ang tingin ko sa kanila at sumalubong ang malapad na ngiti ng papa niya sa akin kaya lumuwang ang paghinga ko. Naroon naman ang malakong ngisi ng kapatid niya sa'kin. Nakakahiya! Lumapit ako sa papa ni Rhenuel at dahan dahang nagmano."Magandang hapon po," pagbati ko at ngumiti. Ginantihan naman niya 'yun. Ngayon alam ko na kung kanino nag mana si Rhenuel. Kahit may edad na ay makikita mong may itchura ito. Matangos ang ilong niya at mestizo ang mata niya at kilay ay katulad nang kay Rhenuel. Parang replica ito ni Rhenuel. Siguro ay ganito rin ang magiging itchura niya sa pagtanda niya. "Magandang hapon ija." "Sa akin, hindi ka magmamano?" tanong noong kapatid ni Rhenuel. Mas mukha siyang maloko kaysa sa kuya niya. Siguro ay matanda lang ako ng ilang taon sa kaniya. Matangkad din siya sa'kin kahit na mas matanda ako sa kaniya. Ang hula ko ay sa Ina nila ito kumuha na itchura, bagamat may pagkakahawig sila ng tatay niya ay makikita mo rin ang pagkakaiba.  Mas makapal at mahaba ang pilik mata niya kaya mas naging mapungay ang mga iyon. Mas manipis din  ang kilay pero mas dark ang kulay noon. Hindi katulad ni Rhenuel ang mata niya. Ang kaniya ay maitim parang ang mga ulap tuwing gabi. "Ouy Zhijan gumalang ka nga mas matanda iyan sa'yo," pagsuway ni Rhenuel sa kapatid niya. "Ayy weh? Akala ko kasi masyado kang namiik kuya. Ang liit kasi niya eh." Ngumuso siya itinuro ako. Ngumiti lang siya kalaunan at inabot ang kamay niya sa'kin. "Zhijan nga pala ate. Ang pinaka gwapo sa'min well kahit hindi ko sabihin halata naman," nagugulat ako sa kanila. Katulad din siya ng kuya niyang gwapong gwapo sa sarili medyo nasobrahan nga lang. Inabot ko ang kamay niya. Magsasalita na sana ako noong sumabat siya. "Alam ko na ang pangalan mo, 'wag mo ng sabihin sayang lang ang laway," aniya at tumawa. Pumikit  pikit lang ako dahil na ra rattle ako sa nangyayari. "Pag pasensyihan mo na ang anak kong 'yan iha. Nahulog kasi iyan sa hagdan noong bata at nauna ang ulo kaya medyo nagkaroon ng sira," anang tatay ni Rhenuel. Natawa naman ako, naalala ko si mama sa kaniya. Ganoon din kasi ang sinasabi ni mama tuwing iba ang ugali ko sa mga tao. Buong hapon ay nagkwentuhan lang kami. Napuno ng tawa ang kusina nila. Halos ikwento na ng papa niya ang lahat ng nangyari kay Rhenuel at madalas na sumasabat  si Zhijan at isisingit ang mga kwento niyang wala namang saysay. Ang saya lang nilang kasama. Namiss ko tuloy si tatay, dahil nga nasa abroad siya ay hindi namin siya parating nakakasama. Noong bata ako ay close na close ako sa kaniya pero, nang mag simulang lumaki ay nagbago iyon. Nasanay na ako nawala siya,parang naging ordinaryo nalang sa aking magpabalik balik siya ng bansa. Mahirap para sa'min iyon pero alam kong mas mahirap para sa kaniyang lumayo sa'min para sa kinabukasan namin. "Maraming salamat po tito," sa sandaling panahon ay naging malapit kami. Hindi ko kasi alam ang itatawan sa kaniya noong una kaya Mr. Alcaraz ang itinawag ko sa kaniya pero sinuway niya ako at sinabing tito nalang. "Salamat din ija. Bumalik ka ah." "Opo." Ngumiti ako. Nasa labas na kami ng bahay pero nakasunod si Zhijan sa'min. "Alam mo ate, pag alis mo ibang babae nanaman ang iuuwi niya dito." Tinuro niya ang kuya niya. "Loko kang bata ka! Dito ka at kukutusan kita." Akmang hahabulin na ni Rhenuel si Zhijan nang kumaripas ito ng takbo at  inilabas ang dila noong nasa loob na siya ng bahay nila. Abnormal din ang isang 'yun lakas ng tama kahit wala alak nainom. Tumawa lang kaming dalawa at Nagpatuloy lumakad. "Salamat," mahina kong sabi. "Saan?" "Sa pagpapasaya sa'kin." "Salamat din," aniya at humakbang sa harap ko at yumuko para magtapat ang mukha namin. "Para saan?" "Salamat kasi dumating ka sa buhay ko." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Kinuha niya ang kamay ko at inilapat iyon sa kaniya. Ang init ng kamay niya. Para akong naka gloves dahil sa init na binibigay ng palad niya. Inihatid niya ako hanggang sa kanto. Pinapaalis ko siya pero ayaw niya pa ring umalis. "Umuwi ka na kasi," pagpipilit ko. Tumingin lang siya sa'kin at umawang ang bibig parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. "Ano? May sasabihin ka pa?" nagtataka ako sa reaction niya. Magkahawak  kamay naming pareho. Ginalaw ko ang kamay niya. "Ano?" tanong ko ulit. Wala na sa'kin ang mata niya. Lumalampas ang tingin nkya sa'kin. Nakatingin na siya da likod ko. Kaya tumingin ako roon pero paglingon ko ay agad na binundol ng kaba ang puso ko. Umawang ang labi ko. "M-ma," gulat kong sabi. Wala sa'kin ang mata ni mama nasa kamay naming magkahawak ang tingin niya kaya mas lalo akong kinabahan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD