Hindi ko alam kung paano akong nakalabas sa simbahan at napunta sa isang tindahan. Ayaw ko munang gumawa ng hakbang para kumpirmahin kung ano man ang sinabi ng doktor at kahit na hindi ko ito kumpirmahin ay alam kong meron na talagang laman ang tiyan ko. Muli ko nanamang naramdaman ang mga luha sa aking pisnge. Natutulala. Anong dapat kong gawin? Paano na ako? Paano na ang pag aaral ko? Masisira na ba ang buhay ko? Sumasakit ang ulo ko sa dami ng katanungang umiikot dito. Mula sa bag ay kinuha ko ang cellphone ko. Nanginginig ang mga kamay. Nalilito kung sino ang unang tatawagan ko. Una kong tinawagan ay si Deby pero hindi siya sumagot kaya si Enni ang sinunod ko pero hindi ko rin siya makontak. Si Lior naman ay hindi rin ako mapupuntahan dahil wala na siya sa bansa. Kaya kahit pa tawa

