Mula hapon hanggang sumapit ang gabi ay umiiyak lang ako sa loob ng kwarto. Walang sino ma'ng pumasok. Nag iisa lang ako at nakatutula sa may sulok, habang nagsisilabasan ang mga luha sa aking mata. Hangga ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari, parang noong isang araw lang ay ayos ang lahat at biglang magkakaganito sa isang iglap. Totoo ngang may mga bagay tayong hindi inaasahan pero dumarating nang biglaan. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Tumingin ako doon at nakita si kuya na pumasok. Nginitian niya ako. May dala siyang baso at pagkain. "So, kain kana," aniya at lumapit sa 'kin. Matamlay akong ngumiti. "Hindi pa ako gutom kuya," sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Narinig ko ang matunog niyang pagbuntong hininga at ang paglapag ng isang bagay. Nak

