Hans "Mabuhay! Welcome to the Philippines!" Nakangiting pagbati sa amin ng flight attendant at bilang ganti ay tinanguan ko ito at binigyan ng isang matamis na ngiti. "Yes! Sa wakas! Nandito na rin tayo sa Pilipinas!" Masayang sambit ng nakababata kong kapatid. Dahil sa kanyang tinuran ay napangiti na lamang ako rito. Sa loob ng apat na taon na pagmamalagi sa Canada ay sa wakas, nakauwi na rin kami dito sa Pilipinas. Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko? Kamusta na kaya sila Dom at Ivan? Hmm. panigurado naging silang dalawa! Alam ko namang may gusto 'yon si Dominic kay Van e! Pakipot lang ang loko-loko. Sa totoo lang, simula ng iwan ko ang Pilipinas at nagtungo sa Canada ay ni minsan, hindi ko nakausap sina Dom at Ivan. Kaya ngayon, alam kong nagtatampo sa akin ang dalawang 'yon! Pero sy

