Hans "Hoy Hansel! May problema ka ba? kanina ka pa nakatulala d'yan? Ni hindi mo nga nagagalaw yang pagkain na in-order mo oh lumamig na tuloy!" Saad ni Ivan sa akin dahilan para mapansin ko siya. Lumulutang kasi ngayon ang isip ko. Hindi ko alam kung anong nagyayari sa akin?! Naguguluhan ako sa totoo lang?! Pero namumutawi pa rin yung lungkot na nadarama ko dahil sa huling pangyayaring naganap sa pagitan namin ni Fourth. Ang sakit-sakit sa kalooban ko yung sabihin niya na parang walang kami?! Oo, tama naman talaga siya e na walang kami! pero umaasa kasi ako atsaka kahit man lang sana sinabi niya na kaibigan ko siya at kaibigan niya ako ay yun man lang, kahit yun lang talaga ay siguro masaya na ako ... pero hindi. Umiling lamang ako dito sa kaibigan ko bilang aking sagot sa lahat ng sin

