Hans "Nasa'n na ba ako?" Tanong ko sa aking sarili ng mapagtanto kong madilim sa lugar kung nasaan ako ngayon. Pinunasan ko ang natitirang luha sa aking mga mata bago ako tumayo upang hanapin ang daan patungo sa tinutuluyan namin ngayon. Naglalakad ako ngayon at tanging hampas lamang ng alon ang maririnig na nanggagaling sa dalampasigan. Hindi ko naman matawagan ang mga kasamahan ko dahil naiwan ko ang aking telepono sa kwartong tinutuluyan ko. Lumipas ang tatlumpung minuto at hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa hotel. In short, naliligaw na ako! Dahil sa dala ng pagod at ilang oras ding paglalakad at naisipan kong umupo sa isang malaking bato na wari ko'y pwede itong maupuan. "Ang ganda." Namamangha kong sabi sa karagatan na nasa harapan ko ngayon. Ganito pala ang ganda ng gabi sa

