Hans [ ALARM RINGING ] [ ALARM RINGING ] "Napakaingay naman!" naiirita kong sabi habang nangangamot-ulong pinatay ang nakakabwisit na alarm sa aking telepono. WAIT?! Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at pinindot ang button nito upang makita kung anong oras na. ALAS SINGKO NA?! Mabilis akong tumayo sa aking higaan at madaling kinuha ang tuwalya upang maligo. Halos limang minuto lamang tumagal iyon dahil sobrang nagmamadali na ako. Sinunod ko ang pagsisipilyo ng aking mga ngipin habang nagpupulbos dahil kulang na kulang na talaga ako sa time! "SH*T! FIVE TWENTY NA!" Nagpapanic kong sabi habang ipinapasok sa maleta ang aking mga damit na hindi man lang naka-organized at di nakatupi dahil sa pagmamadali ko. Matapos ang makatindig balahibong pag-aayos na ginawa ko ay mabilis kong

