Penelope POV Almost seventeen hours ang flight from Canada to Philippines. Akala ko nga mahihirapan ako dahil first time kong makakasama si Travis sa byahe, papunta pang pilipinas. May six hours pa kaming natitira. "Ang daya ng batang 'yan! Kapag kami ang aalis, napakakulit! Tapos nung nasa sa'yo na? Ayan ang tahimik!" sabay turo niya kay Travis na nasa kandungan ko habang nanonood sa tablet. Tumingin sa kanya si Travis at humagikgik kaya pinisil ni Patrick ang mga pisngi nito. Simula nung makalabas ako ay lagi nang nakadikit sa akin si Travis, minsan nga kapag kukunin siya ni Patrick ay umaayaw, kaya ayun kunwaring nagtatampo. "Naalala mo ba kung anong meron sa next Sabado?" Patrick suddenly asked. Kumunot naman ang noo ko kaya ginalaw ko 'yong tablet ni Travis. "Nooo!" angal ni T

