Penelope POV "Ano okay ka lang ba?" tanong ko kay Gavin na bitbit ang sampung paperbags na pinamili namin. Iniangat naman niya 'yon at tumingin sa akin na parang ayos lang sa kanya.. "Yeah, hindi naman mabigat." Nakangiti niyang sagot. Ang hilig hilig na rin niyang ngumiti nitong mga nakaraan. "You sure?" tumango naman siya. It's sunday at nasa mall kasi kami dahil bumili ako ng damit ko. Ngayon lang din ako makakapagshopping, inaya ko na rin siyang bumili ng kanya. Ako pa nga pumili ng designs ng iba niyang damit. Feeling ko siya na-stress siya sa pamimili namin ng damit inabot kami ng ilang oras, tapos 'yong pinipili ko sa para sa kanya puro lang siya oo! Hindi man lang humihindi! Paano kaya kung dress ang binili ko sa kanya? May hawak din akong tatlong paper bag, siya kasi nag

