Kabanata 1

1579 Words
Penelope POV "Good Morning, Miss P." Napuno ng pagbati ang umaga ko nang makarating sa lobby ng Vera Building. Bahagya ko na lang sila na nginitian at dumiretso sa elevator na para sa amin lang na mga Vera o ibang kakilala. Pinindot ko ang button kung nasaan ang floor ko, sumandal sa glass wall ng elevator, at mariin na napapikit dahil sa antok na nararamdaman at hangover. Ayoko na sana pumasok, kaso marami akong gagawin ngayon and that's because I'm the boss. There's no room for rest time today dahil alam kong marami akong dadaluhan na meeting. Nakatulog naman ako pero ilang oras lang, nagpunta pa kasi akong bar kagabi. Ilang sandali lang ay huminto na ang elevator kaya umayos ako ng tayo at lumabas na. Agad na bumaling sa akin ang tingin ng secretary ko, si Bliss, at tumayo para salubungin ako. Napangiti naman ako nang makita ang mukha niya, hindi ko alam pero gandang-ganda ako sa kanya. She has this angelic face na hindi ka magsasawang titigan. "Madam! Saan ka ba galing? Hindi kaya kita ma-contact!" she exclaimed. I let out a sigh at dumiretso sa pintuan ng office ko. "Bilhan mo pala ako ng breakfast sa baba. Yung coffee ko, huwag mong kalimutan." I commanded her, not minding her question. Nasa kanya naman yung card ko, kaya alam na niya ang gagawin. May tinuro naman siya sa isang sofa at nakita ko ang isang pamilyar na handbag. I roamed around the floor at wala naman akong nakita. Ibinalik ko ang tingin kay Bliss. "Where is she?" tukoy ko sa may-ari ng handbag na nasa sofa. "Kakapunta niya lang pong cr," she answered. Tumango ako at kinuha ang handbag na pagmamay-ari ng best friend ko, si Light. "Three orders na pala ang gawin mo. Sayo 'yung isa. Kapag lumabas si Light ng cr, padiretsuhin mo na sa loob, okay?" "Yes, Madam." "Also forward to me my schedule for today para ma-review ko," paalala ko pa. I need to review some important matters, lalo na kapag may mga incoming meetings ako dahil I'm handling multiple business line, ayokong mawala sa kung ano ang focus kapag may on-going meeting. Tumango naman siya at bumalik sa pwesto niya para kunin ang wallet. Pagkuwan ay tumingin siya sa akin at nagpaalam. Dumiretso na ako sa loob office ko. Iniwan ko nalang 'yon na nakabukas at nilapag sa couch ang hand bag ni Light. Ang aga naman no'n pumunta rito. Kinuha ko yung phone pati charger ko sa bag, at chinarge 'yong phone ko. Deadbat na talaga ako, dahil malapit ang outlet sa sofa ay umupo na rin ako roon at binuksan ang phone ko para tingnan kung may ay messages. "P! Bakit ngayon ka lang? Hindi kita matawagan, lumandi ka siguro. Saan ka ba galing?" sunod-sunod na sambit ni Light at umupo sa tabi ko. Humarap ako sa kanya, at hinawakan ang maumbok niyang tyan. Hinaplos-haplos ko pa iyon at ang sarap sa pakiramdam mahawakan nito. Ilang buwan na lang at lalabas na ang baby niya. Nakaka-excite naman. "Ang aga-aga, baby, pinapagalitan ako ng mommy mo!" at binalik ko ang tingin kay Light. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Nagpaalam ka ba kay Kuya Matteo? Mamaya tadtarin na naman ako ng calls and texts no'n!" saad ko sa kanya at bahagyang hinila ang buhok niya. Minsan kasi pumupunta siya rito tapos hindi nagpapaalam kay Kuya Matteo, na asawa niya, at dahil ako ang bestfriend niya, ay ako ang unang hinahanapan. Mukha ba akong hanapan ng mga nawawala? Kahit nung umalis siya dati dahil pinaalis siya ng mama ni Kuya Matteo ay sa akin din siya hinanap. "Tapos buntis ka pa! Hindi ka na lang mag-stay sa bahay niyo," suway ko sa kanya. Bahagya naman siyang natawa at humaba ang nguso. She's five months pregnant. Buti na lang umabot na sa kalahati. Kahit ako kabang-kaba sa pagbubuntis niya. Masyadong masakit 'yong nangyari nung una, nawalan na siya ng baby at ayaw na namin maulit 'yon. Kaya todo ang bantay at pag-iingat namin kay Light. "Kasama ko naman driver ni Matteo, nasa cafeteria, pinag-almusal ko muna. Gusto kasi kita makita! Ilang araw kang hindi nagpakita sa akin. Tapos ngayon late kapa, saan ka ba galing?" mapanuya niyang tanong at pinaningkitan ako ng mga mata. "Sa tabi-tabi lang naman," natatawang sagot ko. Sumimangot naman siya at umirap. "Feeling ko magkasama kayo ni kuya." Ako naman ang umikot ang mata sa narinig. Galing akong bar kagabi at anong oras na ako nakauwi kaya na-late pa ako. Mukhang nakakakutob siya na may something na sa amin ng kuya niyang si Gavin. "Paano mo naman nasabi?" pag-uusisa ko. "You're my bestfriend. Alam ko likaw ng bituka mo. Kaya kahit hindi mo sabihin sa'kin, nararamdaman ko." Napabuga ako ng hangin at napahilot sa bridge ng ilong ko. I really want to tell Light about my affair with her kuya, Gavin Guevara. Kaso ang daming nangyari sa kanya at busy din naman ako, kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi. "We're old enough, P, kaya ayos lang 'yan. I understand. Hot ang kuya ko, kaya alam kong patay na patay ka sa kanya!" she said. Bigla ko naman siyang hinampas. "Ang kapal mo! Walang kami ng kuya mo! The feeling is not mutual!" singhal ko. "Walang kayo pero may something na nagaganap, hmm? I can feel it. Huwag mo akong pagtaguan ha, kilala kita. Pwede mo naman nang sabihin sakin, I'm all ears!" Nilapit pa niya ang tainga niya sa 'kin. Tinulak ko nang bahagya 'yong ulo niya at pinagkrus ko ang mga kamay ko. "We're in the 20th century, it's normal and I'm okay with our set-up. Matanda naman na kami." Nakangiti kong sambit sa kanya. Bumusangot naman ang kanyang mukha. Kahit buntis ang ganda pa rin! Ang sarap kurutin at panggigilan ng mga pisngi. "Paano ka makakapag-asawa niyan? Ang tanong, may plano ka ba?" she asked. "Oo naman! Siguro hindi pa ngayon at saka gusto ko mag-asawa. Grabe ka naman sa akin. Ikaw una kong sasabihan kapag ikakasal na ako." Ngumisi pa ako sa kanya. Damn, that's a foul for me but it's okay wala naman kasi siyang alam. Nailing naman siya. "Nako! Ewan ko sayo. Hindi ko alam kung bakit naging palatago ka sa 'kin. Ayaw mo naman kasi sabihin!" maktol pa niya. Niyakap ko naman siya. "I love you, Light. Ang ganda-ganda mo pa rin kahit mataba ka na." Pang-aasar ko na ikinahaba ng mapupula niyang nguso. "Hoy! Anong mataba? Tiyan ko lang anv lumaki. Ang sama mo sa 'kin ha. Sana mabuntis ka ni Kuya! Iyong tipong mabutas 'yong ginagamit niya." Humagalpak naman ako ng tawa sa narinig. Mukhang nakaramdam na talaga siya. "That'll never happen." I assured her. "Pero gusto ko nang makita kang maglakad sa aisle. Akala ko nga ikaw unang maikakasal sa 'ting dalawa. Ako pa pala. Kung sino pihikan no'n sa lalaki, siya pa unang ikinasal." "That's because you fell in love with Kuya Matteo. Siguro kung hindi mo siya nakilala, for sure hindi ka pa kasal ngayon!" "How about you? Hindi ka pa nai-in love? Kaya hindi ka pa kinakasal?" mahina niyang tanong. I swallowed the lump in my throat and managed to gave her my sweetest smile. Ako talaga dapat ang mauunang ikasal sa amin but some things happened. "I already did, but sadly hindi nagtagumpay." I said, chuckling. She crossed her arms over her chest. "Ayaw kasi i-share! Ngayon in love ka ulit?" "I don't know. I'm still not sure about my feelings. Baka mamaya wala pala talaga akong nararamdaman sa kanya." Tinaas-baba ko pa ang kilay ko. Nakita kong namilog ang mata niya. "May nangyayari na ba sa inyo ni Kuya? Nakakainis kayo. Ang gusto ko maging kayo, romantically! Hindi maging ganyan!" Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Nakaka-enjoy kaya ang kuya mo. Ang hot kasi," mapang-asar ko na sambit. "Edi si kuya ang first mo?" she innocently asked. Agad akong umiling at halatang nagulat siya. "What? Sino? Bakit hindi ko alam?" nagtatampo niyang saad. Natawa naman ako sa kakulitan niya. "Siraulo ka, pati ba naman s*x life ko kailangan updated ka?" "Kini-kwento ko rin naman sexcapades namin ni Matteo ha! Ang daya mo!" walang habas niyang sambit. "You'll know. Tinatamad pa akong magkwento ngayon. Maghintay kang sabihin ko sayo." May narinig akong katok sa pintuan kaya napalingon kami. Sumilip ang ulo ni Bliss. "Madam, ihahatid ko lang foods niyo." Tumango ako at tuluyang bumukas ang pintuan. Pumasok si Bliss saka yung laging naghahatid ng pagkain namin na taga cafeteria. Nilapag nito sa coffee table na nasa harap namin ang dalawang tray na may pagkain. "Thank you," sambit ko. "Madam, I already forwarded to your email the schedule for this day." Tumango naman ako at sabay na silang lumabas nung lalaki. Bumaling na ulit ako kay Light. "Kumain ka na ba? Bawal sa buntis ang magpalipas." Inabot ko ang isang plato at binigay sa kanya. She sighed and looked at me na nakanguso kaya mahina akong natawa. "Tapos na ako kumain at dahil nakita ko 'to kakain pa rin ako. Natakam ako, tapos tingnan mo, tapa pa!" I laugh and get the other plate. Light really loves tapa, it's her favorite actually. Bago kami kumain ay saglit muna kaming nagdasal at pagkatapos ay sinunggaban na ang pagkain. "Alam niyo na gender ng baby niyo?" tanong ko. Umiling naman siya habang ngumunguya. Inabutan ko siya ng glass of water at kinuha naman niya. "Surprise," she simply said. "Really? Eh paano 'yong pangalan? Biglaan din ganoon?" "Syempre hindi. Nakapaghanda na kami ng name if ever boy or girl man." Napangiti naman ako sa narinig. "So, saan ka talaga galing?" Napatingin ako sa kanya. Ayaw pa rin niya ako tantanan sa kung saan ako galing at kung bakit ako late. I sigh before answering her. "Sa unit nga! Na-late lang ako dahil nagpunta pa akong bar kagabi." I saw her lips pouted. Nilapag ko 'yong plato dahil tapos na ako kumain. Sumandal ako sa sofa at hinawakan ang tyan ko. Busog! "I knew it! Nag-bar din si kuya kagabi. So, nagkita kayo?" Himutok niya at hinampas pa ako. Kinuha ko naman sa kanya yung plato dahil tapos na rin siya kumain. At baka mamaya 'yon pa ang maihampas niya sakin. Iba pa naman ang mood swings ng mga buntis. "Tell me, nakailang rounds kayo? Magaling ba si kuya?" Natawa na lang ako sa inasta niya. Ang kulit talaga. Hindi naman kami nagkita ng Kuya niya kagabi. Hindi na lang ako nagsalita at pumasok na naman si Bliss dahil may inabot na files. Isang oras pa ang tinagal ni Light sa office ko at puro lang kami kain, dahil buntis natatakam sa kung anu-ano, dinamay pa ako. Buti na lang hindi weird na pagkain ang cravings niya kundi baka pati sa 'kin pinatikim na niya 'yon. Sinamahan ko na siya sa parking dahil nag-aantay na rin ang driver, tapos tumatawag na si Kuya Matteo. Baka kung saan-saan pa kasi siya pumunta. Ako lang pala talaga ang pinuntahan niya. Pinaglilihian ata ako, well, wala namang problema sa 'kin. Lalaking maganda ang inaanak ko. Napangiti ako habang tinatanaw ang kotse ni Light na papalayo sa akin. My heart melts seeing my best friend happy and now that she's having the family that she deserves. Oh, I want that too, but if I already found the one, again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD