Penelope POV Pinihit ko na ang doorknob nang mapagdesisyunan ko nang lumabas ng kwarto. Six pa lang kasi ng umaga gising na ako, tinawagan ko muna si Bliss para sabihin na balitaan niya ako after her duty about what happened in the office the whole day. At nagising ko pa ata ang babaita! Muntikan na akong masigawan eh, ramdam ko, buti na lang marunong magpigil 'yong babae na 'yon. Masarap nga ang tulog ko, medyo nagulat pa ako dahil hindi ako namahay, ang komportable ng kwarto na 'to. Pagbaba ko ay dumiretso ako sa dining, nakabukas kasi 'yong glass door. Tumambad sa akin ang isang matandang babae na naghahain sa mesa, kaya napatigil ako sa paglalakad. "G-Good Morning po," nakangiti kong bati. Tumingin naman ito sa akin, nanlaki ang mata pero agad din nakabawi, nilapitan niya ak

