Penelope POV Nagtagal pa kami ng isang oras ni Tim sa mart at agad kong tinawagan si Bliss para utusan na kumuha na ng pwesto sa isang restaurant sa labas para sabay-sabay na kaming kumain ng dinner. Habang nasa loob ako ng kotse ni Tim, ay binasa ko naman ang mga text messages na galing kay Gavin. Nanganak na si Light, it's a girl. Madelight ang name. Kuya Matteo and Gavin send me a picture of baby na nasa nursery room. Nakipagvideo call pa ako kay Gavin habang nasa kotse. Buti na lang hindi siya naging matanong, kung sino ang kasama ko. Nagkekwento lang siya about sa nangyari sa office at sa panganganak ni Light. I don't want to hide something from Gavin kasi sa ilang buwan na nagsama kami naging open siya sa lahat pero ayoko muna sabihin sa kanya 'yong nangyari ngayon. I'll shar

