Sinuyod na ni Artemis ang buong kaharian ng Transylvania pero hindi niya pa rin nakikita ang alpha. Natanong niya na rin ang mga lobo sa palasyo pero wala ring alam ang mga ito. "Where Is he?" Napadpad siya sa likuran ng palasyo. Sa may puno ng cherry blossom kung saan nakasandal ang guwapong alpha. His face look at peace. Sobrang guwapo nito. Doon niya lalo napansin ang perpektong hulma ng panga nito, ang mamula mulang labi, matangos na ilong. At ang mahahaba nitong pilik. "You're here. Kanina pa kita hinahanap." Nahihiya niyang sambit. Nanatiling nakapikit ang alpha. Pero alam niyang naririnig siya nito. "I'm sorry, I lied. Sa totoo lang, nahihiya akong sabihin. Nahihiya akong aminin na naiirita ako non sa mga fairies na nakatitig sayo humahanga at namumula." Pag amin niya saka siy

