"They are fine. Don't worry. Nagkuwento sila sakin kanina na masaya raw sila sa Academy. Marami silang nakilala at naging kaibigan." masayang tugon niya sa asawa. Tumango si Alpha Iuhence at humalik sa leeg ni Artemis. "Uh-hmm.. Kids, be good and always be humble kahit saan kayo magpunta. Iwasang makipag away." paalala niya sa mga anak. Masunuring tumango ang mga ito na may ngiti sa labi. Lahat ng anak nila ay nagmana sa pagiging mabait ni Artemis. At pagiging dominante naman ang namana ng dalawang lalaki sakanilang ama. Nakipaglaro si Alpha Iuhence sa mga anak ng sambutan ng bola. Napakabilis ng pagtakbo ng mga anak niya kaya mas lalo siyang nasisiyahang ihagis ang bola. Namana ng mga ito ang kanyang abilidad. At nahuhulaan kung saan babagsak ang bola. Nang mapagod ay nagpasya na silan

