Naiwan sila ng tusong alpha. Alpha Hades growled. Nag ikutan sila. Hindi pa man nakakahakbang si alpha Hades ay sinakmal na siya agad ni Alpha Iuhence sa muka at sinunod ang leeg. Dinaganan siya ng wolf form nito at winasiwas. Pilit kumakawala ni Alpha Hades pero di niya magawa. Halos umagos ang dugo niya na parang gripo. Lalo na ng kagatin ni Alpha Iuhence ang dalawa niyang mata. Sinunod ang magkabilang tenga. I'll kill you for my pack who suffered a lot because of you. Sambit ni Alpha Iuhence sa isip. Di na niya binigyang pagkakataon ang alpha. Kinagat niya ang bandang puso nito at inukab saka hinigit ang puso ng tuso. He growled after. Wala ng nagawa roon ang alpha at napatay na rin ang beta, gamma at delta nito. Umalulong si Alpha Iuhence pagkatapos at nag anyong tao ulit. Nagdamit

