Ngayon na pala yung punta namin dun sa bagong resort nung si Mr. Valdez. Ewan ko ba pero banas talaga ako sa pagmumukha niya lalo na kapag nakangiti siya o kaya namanay nakangisi. "Ready na ba yung gamit mo?" Tanong sa akin ni Kevin mula sa likod na ikinatango ko naman. "Naayos ko narin ang mga gamit mo hon, just check it again baka may nakalimutan pa akong ilagay." Paalala ko sa kanya na kaagad naman niyang sinunod. Excited talaga ako e, pero di masyadong maganda ang gising ko ngayon. Sobrang napuyat ako sa mga binasa kong libro kagabi. Mas nauna pa ngang natulog si Kevin sa akin. "Tara na? Tinawagan na ako ni Mr. Valdez, hinihintay na daw nila tayo." Tinulungan akong magdala ni Kevin ng ilang gamit. 3 days rin naman kasi kami doon. Habang nasa byahe kami, binawi ko nalang yung tulog

