"Sir, bakit po ganyan ang itsura niyo? Sinasayang niyo po yang ka-gwapuhan niyo." Sabi ni Janice sa akin. Umirap nalang ako. Daig ko ba ang babae? "May problema lang ako. Nga pala, wag na wag mo nang papansinin si James ah. May girlfriend na yung lokong yun." Pagpapaalala ko sa kaniya. "Tsk, hindi ko naman po type yung siraulong yun. Feeler masyado ang loko." Sabi niya habang may pailing iling pa. Napangiti naman ako. "May meeting pa ba ako?" "Ahy opo, bukas po. May appointment po kayo with Mr. Smith," tumango nalang ako. Kilala ko naman yung Mr. Smith na yun. He's one of the successful businessmen in the whole world. Pero balita ko may problema daw sa company nila. Kinuha ko ang picture frame na nasa table ko. Litrato namin yun ni Sam. I felt emptiness, sadyang naglaho ang lahat nang

