Samantha Papunta na sana ako sa dining area para kumain nang madatnan ko sila kuya at Ken na nag uusap at nagtatawanan pa. Anyare? E diba magkaaway sila? Pero kahit ano pa man ang dahilan, masaya ako na nakikita silang masaya. They deserve to be happy. Lahat naman ng tao ay may karapatan na maging masaya. Tumunog ng doorbell, patayo na sana si Ken para buksan ang pintuan pero inunahan ko na siya. "Ako na!" sabi ko sa kaniya at kinindatan siya, namula naman siya sa ginawa ko. Hindi ko naman kasi siya kinikindatan e. Hindi ko lang talaga lubos na maisip ba nagagawa ko na ang mga bagay na ito. Pagkabukas ko nang pintuan, tumambad sa akin ang anim na maskuladong likod ng mga lalaki. Napangiti ako dahil kahit likod lang nila ang nakikita ko ay alam kong sila yon. Dahan dahan silang pumihit

