Kabanata 3: Lost

2250 Words
Kinabukasan ay naisipan kong mangabayo at mamasyal sa hacienda. Sabado naman at wala akong pasok at tapos narin ako sa mga assignment ko kagabi. "Manang Daisy, asan po sila?" Tanong ko kay Manang Daisy na abala sa pag ma-marinate ng manok. "Iyong Mommy mo sinamahan ang Daddy mo sa Talamban at may conference meeting. Si Heros, maagang umalis at pumunta ng Sta. Elena. Si Hex naman nasa Study Room niya. Bakit?" "Sige kay Kuya Hex nalang ako magpapa-alam." Naka ngiti kong sabi saka nagmamadali akong pumanhik sa ika dalawang palapag ng aming bahay. Marahan akong kumatok sa pinto ng Study Room ni Kuya Hex saka pinihit ang siradora nito. Nang makita ako'y agad niyang binaba ang librong hawak niya. Kuya Hex, in his always formal white polo Lacoste shirt, black pants and Rolex watch seated formally in his swivel chair. "Oh Hellina, anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" "Wala kasi sila Mommy, Kuya. Magpapaalam sana ako, gusto kong mangabayo at mamasyal sa hacienda. Pwede ko bang hiramin si Beast?" Malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Hindi agad ito sumagot. Tila ba'y winawari kong dapat niya ba akong pag bigyan o hindi sa hiningi kong kaonting kalayaan. Medyo naghihigpit na din kasi sila sa security namin, lalo na sa akin dahil sa paparating na eleksyon. "Sige na Kuya." Malambing kong sabi saka lumapit sa kanya at pinulupot ko ang aking mga braso sa leeg niya. Pareho akong malapit sa dalawa kong kapatid pero si Kuya Hex kasi masyadong mahigpit. Kailangan mo pang paamohin. He is always obedient, proper, strict and very controlling. What he decides, should be done. What he doesn't wants, should be avoided without questions. Kapag nilabag mo ang gusto niya, hindi mo gugustohin ang kanyang gagawin. He is quite scary kaya medyo ilap ako sa kanya. Unlike Kuya Heros who is always supporting me in things I like to voice out. Sa lahat, siya lang iyong nakikinig sa'kin at pinapatapos ako sa pagsasalita kahit na hindi siya sumasang-ayon. He knows how to listen well unlike Kuya Hex, who only listens to things he wants to hear and see. "Okay. Pero huwag kang lalayo ah? At huwag na huwag kang aabot doon sa boundary ng ating hacienda. Mahirap na at kung mapaano ka pa." Sagot nito. I feel like for the first time in my life, Kuya Hex said yes to my favor without asking too much. Kahit natagalan siya sa pagdedesisyon ay okay lang dahil pinayagan niya ako. This moment is like a one in a million chance of a lifetime. I really can't believe it and I'm so happy for this so little achievement na napapayag ko siya! "Yeheeey!" Sigaw ko. Iniwas naman ni Kuya Hex ang ulo niya. Narindi siguro sa tili ko. "Salamat Kuya!" Sabi ko saka mabilis na dinampian ko siya ng halik sa pisngi at nagmadaling lumabas sa kanyang silid. Mahirap na at baka magbago bigla ang desisyon niya. Kaagad akong pumunta sa kwadra ng mga kabayo at hinanap si Beast. Malaki ang ngiti ko katulad ng malalaking hakbang ko sa pagmamadali na maka abot. Sakto naman at may bantay roon. "Magandang hapon po, Ma'am Hellina. Ano po iyong sadya niyo?" Tanong ng lalaking bantay. "Hihiramin ko si Beast. Nakapag paalam na rin ako kay Kuya Hex." Hindi agad kumilos iyong lalaki na para bang di siya sigurado sa aking sinabi. "I swear Manong kahit tanongin mo pa siya." I smile widely. "Ayy hindi na po." Ani nito saka binuksan ang gate sa kwadra ni Beast. Noong bata ako'y naturuan na ako sa pangangabayo. Pero basic lang. Si Grandpa pa nga ang nag turo sa akin. Kaya may hinanakit rin ako sa pagkamatay niya. Nang dahil sa pagkamatay niya ay pinadala kami ni Kuya Heros ni Daddy sa California. "Mag iingat po kayo Ma'am Hellina." Saad nito na parang nag aalala habang sumampa na ako kay Beast. Matagal na akong hindi nakaka pangabayo pero alam ko pa naman siguro paano sumakay. Huling pangangabayo ko ay noong nagpunta kami ni Nicole sa rancho nila sa Texas when we have our summer wayback five years ago. Magdadalawang buwan na kasi ako dito pero ito pa lang ang unang beses na nangabayo ako. Siguro dahil ngayon lang ako nabagot. Wala kasing signal ang cellphone ko at hindi ko maka video call si Nicole. Wala rin akong maka usap sa bahay dahil bukod kay Kuya Hex na abala sa study room, puro kasambahay lang ang mga kasama ko. "Huwag po kayong mag aalala." Sabi ko saka inumpisahan ko na ang pag hila sa tali ni Beast. Una naming napuntahan ni Beast ang azukarerahan. Halos lahat ng taong nandoon na nagta-trabaho ay napapatigil saglit dahil sa pag titig sa akin. May iilan na binabati ako at nginingitian ko lang sila. "Excuse me po Manong." Tawag ko sa lalaki na naka suot ng sombrero, long sleeves, maong na pantalon at itim na bota. Lumingon ito sa akin habang ipinaypay niya ang sombrero. "Ano po iyon?" "Naku! Mag Ma'am ka Mang Erning. Anak po iyan nila Ma'am Mariella at Governor." Sabi noong katabi niyang babae. "Ay pasensya na po Ma'am. Hindi ko po agad kayo nakilala." Utas nito saka yumuko. "Ayos lang ho Manong. At huwag niyo na ho akong tawaging Ma'am. Hellina nalang." Naka ngiting sagot ko. Umawang ang mga labi nila na naka tingin sa akin. "Hindi po pwede iyan Ma'am Hellina. Nakakahiya po." Anang lalaki na sinang-ayonan ng iba. "Anyway, itatanong ko lang ho sana kung hanggang saan ba ang boundary ng hacienda? At mayroon bang magandang lugar dito na pwede kong pagpasyalan?" "Ah eh, marami ho Ma'am. Doon ho," sabay turo niya sa kanang bahagi. "Dere-deretso po kayo at makikita niyo ang lahat ng mga taniman ng gulay, mais, palayan at sa dulo ay may batis. Malinis ang tubig doon sa batis at iyon po ang huling parte na sakop ng lupain ninyo. Ngunit huwag na po kayong masyadong lumayo dahil iyon na ang boundary. Doon naman ho sa kabila, nandoon ang opisina, golf course, harden at plantasyon ninyo." Sabay turo niya sa kaliwang bahagi. Napatango-tango lang ako sa mga sinabi nito habang nanliit ang mga mata kong naka tingin sa tanawin na itinuro niya. Kahit naka sombrero ako'y di parin maiwasan ang sikat ng araw. "Pero Ma'am Hellina, kabilin-bilinan nila Ma'am Mariella at lalo na ni Governor na huwag po dapat lumampas sa boundary. Sa mga del Carmen na ho kasi ang lupa na yon. Pag lumampas po, baka mapahamak kayo." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang excitement ng marinig ko ang apelido uli ng mga del Carmen. Imbes magalit o masuklam ako'y mas lalo akong naging curious na mas makilala ang pamilya nila. Hindi naman siguro dahil sa lalaki na iyon, hindi ba Hellina? I am just curious as well with their family background and history. They are our enemies, the one who planted to kill my beloved grandfather who did nothing but to be a good public servant in this province. "O-okay. Don't worry, I won't go too far." Sagot ko saka hinila na uli ang tali ni Beast at dumirikta ako sa kanang bahagi. Malayo ang itinakbo ni Beast. Hindi ko alam na ganito pala kalawak ang azukarerahan namin. Kung alam ko lang, sana nag dala ako ng kaonting baon kahit biscuit man lang at nakaka gutom ang pagliliwaliw ko. I did not expect that our land is this so big. O baka nakalimutan ko lang dahil matagal nadin noong huli akong namasyal dito. And damn! Sa azukarerahan pa lang namin, nalakihan na ako, paano pa itong sa mga sumunod? The rice fields is wide too. Sa laki nito, parang sampung beses ata ang lawak nito kompara sa Kolehiyo de Zaccarrio. I can't even compare there measurements to big malls in California. The next field I went to are the corns and some vegetables. Mabuti nalang at hindi kasing lawak ito ng palayan at azukarerahan namin. But still, it is huge and wide. I wonder paano pinamamahalaan nina Mommy at Kuya Heros ang ganito kalaking hacienda? Is that the reason why they are pursuing me to get Business Management so I could help them with our business? It is obvious that Kuya Hex might can help but can't totally commit since his passion is in politics. Daddy might help in managing but it might take some time since I heard he is going to run for Congressman once his term as Governor ends. Labis ang mangha ko ng makarating ako sa batis. Itinali ko sandali ang tali ni Beast sa puno saka kaagad na lumapit sa batis. Inihilamos ko ang tubig sa aking mukha. The fresh cold water feels so refreshing. Ang sabi, ang tubig galing dito sa batis ay nagmula pa sa bundok. It's very clean indeed na ang mga peebles ay kitang-kita ko. Walang kahit anong basura o dumi akong nakita. The tall trees added the cool breeze kaya ang sinag ng araw ay nawalan ng epekto. "Woaahh!" Gusto ko tuloy maligo kaso wala akong dalang damit. I regretted it so bad! Kung magpapaalam ako bukas kay Kuya Hex o sinoman sa kanila, papayagan pa kaya nila ako ulit? Maybe they will but ipapasama na nila sa akin ang mga bodyguard which I think would be very awkward. But the water is like a sin. I can go through tough pangungumbinsi again para makaligo lang ako dito bukas. Kinuha ko ang lalagyan ng tubig saka pinainom ko si Beast. Kanina pa kami namamasyal sa hacienda at baka nauhaw na ito. Kung ako napagod at nagutom, paano pa kaya ito si Beast. Sa linis ng tubig, pwede din itong inumin. I am in awe of how beautiful the resources of Zaccarrio is. Kung ikokompara ko ang California at Manila dito, alam kung walang-wala ito in terms of modernization and technologies. Pero kung ganitong klaseng likas na yaman ang ibiyaya sa mga taga rito, hindi narin masama. I now get it why people in rural places like this live longer than those who live in polluted urban areas. "Mayroon kayang short cut dito Beast?" Tanong ko saka marahan kong hinimas ang ulo niya habang hawak ng isang kamay ko iyong lalagyan ng tubig at pina-inom ito. Pagkatapos ay sumampa na ako ulit. Medyo magdidilim na pala. Hindi ko na napansin dahil nawili ako sa pamamasyal at sa sobrang layo din ng naabot ko. Tinahak namin ang medyo magubat na daan. Naliligaw na ata ako. Anong parte na kaya to? Amin parin ba ang lupain na ito? At hanggang saan kaya ang boundary? Baka lumampas na ako? Puro nalang kasi malawak na rice fields ang nakikita ko matapos akong makalabas sa gubat. "Beast, alam mo ba kung anong lugar na ito?" Nag-aalala ko ng tanong kahit alam kong hindi naman ako naiintindihan ni Beast. Natigilan ako ng biglang makarinig ako ng mga yapak ng kabayo. Nilingon ko ito't may nakita akong papalapit sa amin. Kaagad itong tumigil sa harap namin. "Sino ka at anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ng isang lalaki. His dark chocolate eyes is very eye catching. Mapupungay ang mga mata niya. Kasalungat ng kapal ng kanyang kilay. Mapula naman ang kanyang labi at maninipis ito. Matangos ang ilong niya tila may halong banyaga ang kanyang pinagmanahan. His arms, chest and muscles were properly built, and firm. Kung sa mukha lang pagbabasehan, he looks younger than me. But his body tells he is mature. His aura looks exactly my crushes on teen male magazines publish by famous publisher in California and New York. "Naliligaw na kasi yata ako e." Sagot ko sa lalaki. "Bakit saan ka ba nanggaling?" His baritone voice soothed well his looks. I bet this guy has a lot of admirers, or even girlfriends? "Doon," sabay turo ko sa gubat na aking nadaanan. "Naku Miss napaka delikado ng ginawa mo. Alam mo bang maraming mababangis na hayop diyan? Saka maggagabi na oh." Utas nito na bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napalingon-lingon ako sa paligid. Mas lalong lumukob sa puso ko ang takot at kaba. Sigurado akong hinahanap na ako nila Kuya Hex ngayon. If Mom and Dad is home already, it will become more difficult for me to let this pass through. Either I'll be grounded or I can't horseback anymore. Damn! "Ang mabuti pa, sumama ka sa akin. Iuuwi ko lang itong kabayo sa kwadra namin at ipapahatid kita sa bayan." Ani nito. "Paano ang kabayo ko?" Nag-aalala kong tiningnan si Beast. "Malayo ba ang bahay niyo? Kung malayo, isasakay ko nalang siya sa malaking truck namin. But if your house is near, we can horseback together so I can send you home. Tara na at baka mahirapan tayo sa daan, hindi pa kasi nalalagyan ng ilaw dito pagkat ito na ang pinaka boundary ng lupa namin." Hindi na ako komontra at sumama nalang ako sa lalaking estranghero. I know it is really dangerous na sumama nalang basta basta sa kung sino lalo na kung hindi kilala. But do I have a choice anyway? Isa pa, he looks a good person to me. Something he is indifferent about a certain person na kahawig niya. Halos kalahating oras yata ang itinakbo namin bago namin maaninag ang malaking ancestral house nila. I thought malapit lang 'yong bahay nila but their land is larger than ours I can't imagine kung paano ko nakayanan pinatakbo si Beast ng ganon. Naawa na ako sa kabayo na paborito parehas ni Kuya Hex lalo na ni Kuya Heros. Damn! I'm really a dead meat. So dead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD