Kabanata 1: Jerks

2384 Words
"Hellina, pagkatapos natin magpa-enroll, dadaanan ko muna ang Kuya Hex mo sa munisipyo. Sasama ka ba?" Tanong ni Mommy. "Hindi na Mommy." Nababagot kong sagot saka itinoon ko muli ang mga mata ko sa aming nadadaanan. Maybe Grandma is right. Zaccarrio is the land of beautiful scenery. Lahat ng view na aming nadaanan ay puro magaganda. Mula sa mga lumang istilo ng mga bahay at iilang establishment, malalawak na rice fields, iba't ibang kulay ng bulaklak na nasa gilid ng daan, mga matatayog na mga puno, at iilang ibon na nagsisiliparan sa himpapawid ang nakakuha ng atensyon ko. It's really different from where I grew up—in California. Even the people ay naninibago ako. Doon kasi puro banyaga ang mga kakilala, kaibigan at mga classmates ko. Only few of them were filipino like me including si Nicole na half american and half filipina. Maybe the reason why she became my bestfriend because we both have the filipino blood. Medyo malayo-layo pa pala ang paaralan sa bahay namin. Pero kung ganito naman ka gandang paligid ang madadaanan ko araw-araw ay ayos narin siguro. "Andito na tayo." Ani mommy. Natoon agad ang tingin ko sa isang malaki at malapad na kulay itim na gate. Engraved on top of it ay ang pangalan ng paaralan, Kolehiyo de Zaccarrio. Ganyan din iyong desinyo ng gate sa mansyon namin kung saan naka engraved sa ibabaw ang apelido naming Amante. Mas mataas at mas malaki nga lang iyong barricade ng gate namin. Mas lalo akong namangha ng makapasok ang aming sasakyan. Though the exterior design of the building looks old na parang sa panahon pa ito ng kastila itinayo but it also looks strong. Ni renovate lang siguro ito ng iilang beses. Napakalawak rin noong soccer field at marami roong estudyante na tumatambay. There are also pine trees na nakapalibot sa gilid ng school. May isang malaking gym naman na nasa gilid ng malawak na soccer field at katabi lang nito ang isa pang building ng school. "I'm sure you will love it here Hellina. Dito ko nakilala ang Daddy mo at dito rin kami parehong nag tapos ng pag aaral. This institute is the best here in Zaccarrio. Maraming successful na mga haciendero at businessman tulad ng pamilya natin ang dito nakapag tapos." Natutuwang sabi ni Mommy. Pagkababa namin ni Mommy sa sasakyan ay kaagad sinalubong kami ng iilang teachers. Nagulat pa ako dahil parang pinaghandaan nila ang pag dating ko at ni Mommy. "Good morning Mrs. Amante. Ikinagagalak ko po ang inyong pag dating." Anang isang matandang babae na naka suot ng eyeglasses. Medyo grayish at puti na ang kulay ng hibla ng buhok nito. "Good morning at ako rin po ay nagagalak sa inyo." Ganti ni Mommy at nag kamayan sila. "Iyan na ba ang bunso ninyo ni Governor? Aba'y ang ganda at tangkad naman na bata. Manang-mana sa ganda mo at ang tangkad naman ay namana kay Governor." Anang matanda saka pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko. Napangiti naman si Mommy saka pinakilala ako. "This is my Daughter, Hellina Marieve Amante." She softly said after she turn her gaze at the old woman to look at me. "Hellina, this is Dean Amelia Perez. The other are the professors here which probably will become your teacher who'll handle your other subjects." "Nice to meet you all po." Sabi ko saka tipid lang akong ngumiti sa kanila habang sila'y malalapad na ngiti ang ginanti sa akin. I feel so intimadated by the way they look at me. Para bang sobrang laki ng expectation nila sa'kin dahil anak ako ng gobernador. Who would not right? People think that because my father is a politician, that means I excel well in school especially in my academics. I don't have problem with that though not unless my parents choose my course which obviously they already did before I could make up my own mind. "Oh siya tara na sa School Registrar Mrs. Amante para maasikaso na natin ang enrollment ng unica hija mo. Ano bang kurso ang kukunin niya?" "Business Administration ang gusto namin ni Heustacio para kay Hellina, Dean Perez." Sagot naman ni Mommy. See? I was force to take up this course. Ito daw kasi ang first stepping stone ko para may alam ako sa pamamalakad ng hacienda. I strongly didn't agree with it pero noong tinanong nila ako kung ano ang gusto kong kunin, wala naman akong masagot. Hindi ko parin kasi ma figure out kung ano rin ang gusto kong kurso kaya napa-oo nalang ako kahit napipilitan lang. And even though I have my own chosen course, hindi din naman nila ako pagbibigyan. They always do what they think is best for me without them asking my thoughts about their decision with my life. It's always been like this since I can remember having my own reflection about life itself. Pumasok kami lahat sa registrar office. Medyo nainitan ako kasi electricfan lang ang gamit nila. Public school lang pala kasi ito. But even though it's public, I really can feel it how high their standards are. It's very prestigious that getting here and having failed grades would be very dissapointing. Kaya siguro mas gusto nila Mommy at Daddy na dito ako kaysa sa Manila 'cause they are challenging me to give my best to make them proud. And knowing that my family is in politics would mean so much on how I reflect myself to people, especially here in Zaccarrio. Abala silang nag-uusap habang abala rin ako sa paghahanap ng signal sa cellphone ko. Tss. Apat na taon pa ang titiisin ko bago ako maka alis dito. But I swear that once I finish my studies, aalis agad ako to pursue my own dreams. At habang ginagawa ko 'yon, I also really need to know fast kung ano ba talagang gusto kong mangyari sa buhay. Of course I want my parents and my family to be proud of me but I also want to make myself proud of things I really love. Matapos ma-areglo ni Mommy ang mga papers ko ay pwede na daw ako pumasok bukas. Kaya after school, dumaan pa kami sa bayan para bumili ng mga gamit ko. Nagpababa si Mommy sa munisipyo at magkikita nalang daw uli kami doon pagkatapos kong bumili ng school supply. Ayaw ko kasing sumama sa kanya dahil alam ko, pagpipiyestahan lang ako ng mga empleyado doon. People here in Zaccarrio are really interested in our family na tila ba para kaming mga celebrity. I get that my family is in politics and both are rich in terms of money resources but kailangan ba talagang pagkagulohan at pagka interesan ang buhay namin when in fact we are just normal people, not that it's abnormal to grow up in a family which are in lined in politics and businesses. "Magkano po lahat ng pinamili ko?" Tanong ko sa babaeng tindera. "Limang daan po lahat Ma'am." Naka ngiti nitong sagot habang titig na titig siya sa mukha ko. Ibinigay ko kaagad ang bayad sa kanya saka inabot ko naman sa driver ko ang nabili kong gamit. "Mang Roy, right?" Tanong ko at tumango naman ito. "I have to go to a convenience store. I am so thirsty kasi. Mayroon po ba dito Manong?" "Mayroon po Ma'am. Diyan lang ho sa may kanto. Sasamahan ko nalang po kayo. Kabilin-bilinan kasi sa akin ni Ma'am Mariella na hindi ko po kayo dapat iwan mag-isa." Sagot nito matapos mailagay sa loob ng sasakyan ang mga pinamili ko. I started to feel a bit annoyed dahil iyong ayoko sa lahat ay binabantayan ang kilos ko. Sila na nga ang komokontrol sa mga desisyon ko sa buhay, pati ang pagkakaroon ng freedom para gumalaw o umalis ng mag isa ay hindi ko pa magawa. Mabuti pa iyong nasa California kami ni Kuya Heros, mayroon kaming mga maids at security guard doon pero hindi naman sila mahigpit. Siguro dahil malayo sa kapahamakan sa politika ang California kompara dito sa Zaccarrio na aaligid-ligid lang daw ang mga kalaban na tinutukoy nina Daddy at Kuya Hex. I sigh and look at Manong Roy then I nodded. "O-okay." Sabi ko saka sumunod sa kanya. Wala din naman kasi akong magagawa kasi napag-utosan lang siya nina Mommy at Daddy. Ilang pagitan lang din naman ng tindihan ang layo ng convenience store doon sa pinag bilhan namin ng school supplies. Pagkapasok ko sa loob ay kaagad nag tinginan ang mga taong naroroon like I annoyingly interrupted their important conversation with my presence. Iyong iba nanatiling naka tingin sa akin, iyong iba naman tinuloy ang kanilang ginagawa. Lumapit ako sa fridge at tiningnan ang nasa loob nito. Maraming pagpipilian at di ko tuloy alam kung anong gusto kong inumin. Habang abala ako sa pagpili, narinig ko naman ang tawanan ng iilang kalalakihan di malayo sa akin. Nang lingunin ko ang pwesto nila ay bigla silang tumahimik. There are bunch of young male teenagers na sa tingin ko'y ka edad ko rin lang. Mga estudyante rin siguro ang mga ito dahil sa suot nilang school jersey. I think they are from Kolehiyo de Zaccarrio rin dahil sa logo na naka dikit sa dibdib ng jersey nila. They all stared at me. Pinasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pinagtaasan ko sila ng kilay. Sa titig pa lang nila, alam ko na agad kung ano ang tumatakbo sa isip nila. All of them have handsome faces. They also look like they come from a prominent family base on their flawless skin tans, their jewelries such as wristwatch, gold necklace, pierce earing. Even their looks and aura is very intimadating that you can feel they have well earned images here in this town. They all look bad boy type with high standards too. Damn! May ganito pala dito sa Zaccarrio? I can exactly compare their faces and looks in a vampire series I love to watch in tv. Tinitigan ko silang lahat but there is a single guy na nakakuha ng pansin ko. Of all of them who had smiles on their faces while looking at me, siya lang itong mukhang galit. He's intently staring at me like I could feel there are invisible daggers pointing at me. I can see it in his dark chocolate pair of eyes. He had a great fair color of skin. His eyelashes are too damn good. Sa layo ko sa kanya, napansin ko pa talaga ito. It can't be help since its showing naturally. Matangos ang kanyang ilong at manipis at mamula-mula ang kanyang mga labi. His jaw were perfectly built to support his glorious handsome face. And his dark brown hair... It undeniably matches his perfect set of eyes. Medyo mahaba ito at slightly wavy. Nang mabalik ako sa aking katinoan matapos kong matitigan iyong lalaki, inirapan ko sila. Mabilis na kinuha ko ang isang malaking bottle ng green tea. Kaagad rin akong lumapit sa cashier at nag bayad. "Ma'am mayron po ba kayong mas maliit dito sa isang libo? Wala po kasi kaming barya. Kaka-deposit lang po kasi kanina noong may-ari." Sabi nong lalaking cashier habang pa kamot-kamot ito sa kanyang batok. "Wala rin akong barya, sorry." Sagot ko. Na i-bayad ko na kasi kanina sa tindera doon sa pinagbilhan ko ng school supply iyong limang daan ko at ang tanging naiwan nalang sa wallet ko'y limang tig isang libong papel at credit cards. "Naku paano to." Bulong nito sa sarili. I was trying to calm myself sa sitwasyon pero nainis ako ng biglang may sumipol. Tiningnan ko kung saan nanggaling at nakita ko ulit iyong mga kalalakihang nakatitig sa akin habang nagtutulakan, nag bubulongan at tumatawa. They stared at me like hinuhubaran na nila ako sa kanilang isip. Damn perverts! "Sandali lang po Ma'am ah?" Sabi nong cashier saka lumabas ng convenience store dala ang isang libo ko. Mukhang magpapasukli ito sa isang gasolinahan na nasa harap lang din ng tindahan. "Ma'am ano ho iyong problema?" Ani Mang Roy na nag-aalala. "Ay nga pala andyan kayo Manong. Do you have one hundred pesos? Can I borrow it at papalitan nalang kita mamaya pag dating sa bahay." Napakamot naman sa kanyang ulo si Mang Roy. "Naku Ma'am, wala po akong dalang pera e." Napa buntong hininga nalang ako. "Ah ganon ba? Okay lang." Sagot ko habang tiningnan ko iyong cashier na may kausap na tao na nasa loob ng isang maliit na opisina ng gasolinahan. "Uhm... hi Miss." Napaigtad ako sa isang boses sa likod ko. Nilingon ko ito't nakita ko ang isang matangkad at maputing lalaki na may dimples sa magkabilang pisngi. Iyong pangangatawan niya'y sakto lang. He's very charming though. His light brown eyes were so beautiful that makes me want to shamefully hate my own. Siya iyong parang sa mga palabas na good boy at napakasunurin sa magulang tingnan. And he's one of those boys who keep staring at me! "What?" Mataray na tanong ko. Even though he is handsome, I find him irritating. I know he is one of those jerks who ask a girl for number and then will ask you to hang out and eventually make you fall so hard and after that, boom! You ended up broken hearted because you thought he was serious in love but all along, he is just playing your heart. And I won't fall for that kind of guy. Never. "My name is Lucas Theorone Andrade or Luke for short. Pwede ba akong makipag kilala sayo?" Nakangiti nitong tanong pa balik habang inilahad nito sa akin ang kamay niya. "I'm not interested." Sinimangotan ko ito at tinalikuran. Narinig ko ang malakas na pag boo at tawanan noong mga kalalakihan sa likod. Nakahalukipkip lang si Mang Roy sa gilid at natawa sa inakto ko at kung paano napahiya iyong lalaking nagpakilala. Nice name and face but no, not to a jerk. Naka hinga ako ng maluwag nang makita ko ang cashier na nagmamadaling bumalik. "Ma'am ito na po ang sukli. Pasensya na po natagalan at sa abala." Hinihingal nitong sabi. Nginitian ko siya. "It's fine. Thank you." Ngumiti rin ito pabalik sa akin saka ibinigay ang sukli ko. "Tara na Manong." Saka nagmadali rin akong lumabas sa convenience store. Tss. The nerve of those guy! Kung malaman lang ito ni Daddy lalo na ng mga kapatid ko ay baka malagotan ang mga iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD