Tumakbo ako palabas sa Coffee Shop. Narinig ko ang pag tawag ni Gileon pero hindi ko siya ni lingon. I keep running like a scared cat. Hindi ko na alam kung saan patungo ang mga paa ko. Ang gusto ko lang ay makalayo sa kanya. I want to get away from him. I want to stop this insane feeling I have for him now. But I guess it's too late. Ang kaya ko nalang siguro gawin ay ang layuan at iwasan siya. Hindi ko na alam pero bigla nalang nabasa ang mga pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Para saan ang mga luha na 'to Hellina? Hindi pa nga kayo pero umiiyak kana. Nasasaktan kana kahit hindi pa nag uumpisa. Napatigil ako ng biglang may humablot sa braso ko. I look up and saw Gileon's mad face. Namumula ang mukha niya sa galit. Nagsasalubong ang kanyang mga kilay. Naka kunot a

