Hindi rin nag tagal sila Enzo at umuwi rin sila. Ayaw pa nga ni Kesha pero mukhang hindi manhid si Enzo para hindi niya mapansin na naiirita na ako sa lantarang paglalandi ng kapatid niya kay Gileon. "Thank you for inviting us Heisha, Gillan. Happy birthday ulit." Naka ngiting sabi ni Enzo. "Maraming salamat rin Enzo kanina. It will not be successful kung hindi mo rin ako tinulungan." Sabi ko. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng pag hawak ni Gileon sa baywang ko. "Happy birthday uli Gillan. Bukas nalang kita bibigyan ng gift. Ibibigay ko sayo bukas sa shop ni Kuya." Ani Kesha saka kinagat pa nito ang ibabang labi. Mas sumandal ako sa dibdib ni Gileon at nginitiang aso si Kesha. Gusto ko na talagang makapanapak ng higad! "Thank you but you don't have to Kesha." Tipid na sagot ni Gil

