II. I Don't Need a Parasite

2324 Words
"Tita, I'm here!" tawag niya sa tiyahin. Parang ina na ang turing niya sa kapatid ng ama dahil ito na ang nag-alaga sa kanya simula nang mamatay ang Mommy niya. Pero tila tuod na itinulos siya sa kinatatayuan nang may taong mabungaran sa salas. Sinalakay ng kaba ang dibdib niya. "Y-You?! What are you doing here? Why do you keep on following me?" mataray niyang tanong na halos pasigaw. Nilingon siya ng kinakausap. "Ikaw na naman?" Kunot na kunot ang noo nito halatang nagulat rin pagkakita sa kanya. "Get out of here!" sigaw niya. Ngunit tila walang naririnig ang kaharap at nanatiling kunot ang noong nakatitig sa kanya "Can't you hear me? I said, get out of here!" Lalong kumunot ang noo nito at tiningnan siya na parang nababaliw. "Pinapaalis mo ako sa pamamahay ko?" Kumulo kaagad ang dugo niya sa narinig. So he lives here and he didn't know her? "If you happen to pretend not to know, I'm Clarisse Ledezma Torres!" aniyang diniinan apelyido. Saglit na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at dismayadong napailing. Pagkuwa'y inilahad nito ang palad. "Francisco Geronimo Natividad." Ganoon na lang ang pamumula ng buong mukha niya sa galit. Why, the nerve of this poor uncivilized creature! "The hell I care!" singhal niya. She knew now, ito marahil ang caretaker ng mansiyon nila. If not, why on earth would he be here as if he owns the whole hacienda? Humahangos na pumanaog ng hagdan ang Tita niya. "What's happening here?" takang tanong nito. "Young lady, it's not proper to shout." She pouted her lips. Hindi niya napigilang umirap. "This guy is making me shout, Tita," sumbong niya sabay turo sa kaharap. "He was rude and he threatened to kill me. I don't want to see him inside this house!" nanggigigil na sabi niya. "H-hija-" "You can find another caretaker. Give him his pay so he could go home." "That's Paco, hija," anang Tita niya. May warning sa boses nito. Dapat ayusin niya ang pagsagot. But she's mad. "So?" aniyang umangat ang dalawang kilay. "I don't like him here. Period." Binalingan niya ang binatang nakamasid lang sa kanila. "Thank you but we won't need your service. You can pack your things now and leave." "Clarisse!" saway ng Tita niya pero tila wala siyang narinig. Bigla siyang hinila ng tiyahin. "That's Paco," ulit nito. "Tita, I don't-" "He's your grandmother's heir." Nabitin sa ere ang 'care' niya. Napamulagat na napatitig siya sa tiyahin. Nalilitong nagpalipat-lipat siya ng tingin. "This is grandma's house?" aniyang lalong tumaas ang boses. "Your father didn't tell you?" balik-tanong ng tiyahin. "No! I mean..." napapikit siya ng mariin. That maybe the part when she wasn't listening. She thought this is one of the places her father owned. "Pag-aari ni Paco ang bahay na ito pati na ang buong hacienda," mahina pero mariing sabi ng tiyahin. Ilang segundo pa bago tuluyang tumimo sa isip niya ang sinabi ng tiyahin. Heir? That's impossible! Sa pagkakaalam niya, siya lang ang kaisa-isang apo ng Lola Marcellina.Kumunot ang noo niya. "How can Dad send me here?!" aniya sabay padyak at nanlilisik ang matang tiningnan ang binatang naka-angat ang isang sulok ng labi na nakatingin sa kanya. Who is this Francisco Geronimo Natividad? "Maiwan ko muna kayo, Tita Fe, mukhang may sumpong ang alaga n'yo," bigla'y saad nito saka tinapunan siya ng tingin. "Feel at home," anitong pinagalaw pa ang kilay na nakatingin sa kanya saka iniwan sila. Mariing naglapat ang ngipin niya. Ang yabang-yabang talaga! "Young lady, you didn't have to shout. That is so unladylike," anang tiyahin. "Have you forgotten how to behave properly?" Humaba ang nguso niya sa narinig. "He started it. He was unbelievably rude!" pagtatanggol niya sa sarili. "Huh!" aniyang napabuga ng hininga. "Now I know why he has the guts to be so." "Still, it's not a reason to be impolite." Pina-ikot niya ang eyeballs sabay bulong, "Whatever." Pinilit niyang kalmahin ang tinig bago magsalita pero hindi niya nagawa. "I don't like him, Tita! He was not even nice to me, why should I be nice to him?" desperadong sambit niya. Dinig niyang humugot ng malalim na hininga ang Tita niya. Alam niyang napupuno na ito sa tantrums niya. But what more can she do? She's really mad! And she can never be polite with people she's mad at. Never! Napabuga siya ng hininga."I just can't believe this! Who is he? How in the world did he get my inheritance?" "I was surprised, too, hija. It's a good thing you are here. And that maybe is part of the reason why your Dad sent you here. You can ask Paco." Tumigas ang mukha niya. "I'd rather not know!" Is that poor uncivilized creature his cousin or a long lost relative? No! Iniisip pa lang niya na pareho sila ng bloodline, naririndi na siya. She has never met someone as arrogant as him! "Why don't we just go home, Tita? I hate this place!" maktol niya. "So much!" "You knew what brought you here, Clarisse. Kung ako ikaw, magpapakabait ako. Baka sakaling magbago pa ang isip ng Daddy mo." "I don't belong here," aniyang bumalot ang lungkot sa puso. "It's pretty obvious that Lola doesn't want me here because I killed her daughter. But Dad doesn't want me home either because I killed his wife." "Clarisse!" Tuluyan nang pumatak ang luha niya. "Come on, Tita. I'm not that dense. Am I really that bad that Dad punished me this way? Or was he just waiting for the time to dispose me?" Lumambot ang ekpresyon ng tiyahin at kinabig siya para isandal sa dibdib nito. "It's not what you think it is." "Oh, is there more than what I think of?" "Yes, I believe there is." Napabuntong-hininga ang tiyahin niya. "Take this consequence and learn from it. One day, you'll be grateful that your Dad did this for you." Umigkas ang kilay niya. "Be grateful for what? For this ugly place? for the indifferent people? for the disgustful lifestyle? Am I to be grateful of these things I hate?" "Yes. One day," sagot ng tiyahin. "So, how about you change your clothes so we can start dinner together?" "With that Paco?" aniyang umangat ang kilay. "Clarisse," nagbabanta ang tono ng Tita niya. "Paco is a nice young man. Be kind to him. And be grateful he allowed us to stay here." Napipilan siya. "Fine!" Pagkuwa'y padabog na umakyat patungo sa kuwarto. Why does everyone makes her feel she's mean? Be kind? To that poor uncivilized creature? Oh, for Pete's sake! Sinadya niyang magpahuli ng kalahating oras nang sumapit ang hapunan. Gusto niyang pagbaba niya, tapos na silang kumain. Hindi pa rin humuhupa ang inis niya. Kaya pala malakas ang loob ng mayabang na iyon na sagut-sagutin siya dahil tagapagmana ito ng abuela. Umasim kaagad ang mukha niya ng maisip na baka kadugo nga niya ang binata. She just can't accept that. Yuck! "What took you so long?" anang Tita. Nadismaya siya nang makitang hindi pa kumakain ang mga ito. "I took a bath," pabalewalang sagot niya't umupo na hindi man lang tinapunan ng tingin ang binatang nasa harapan. "They don't have a shower!" aniyang tila hindi makapaniwala. I'm not used to using uhm.. that thing..." aniyang inaapuhap ang salita. "Yeah a dipper,"dagdag niya sabay ismid nang makitang nakamasid ang binata sa kanya. Malinis na ang t-shirt na suot nito at ayaw man niyang aminin, talagang malakas ang dating ng walanghiya. Akmang aabot na siya nang pagkain nang magsalita ang binata. "Magdasal muna tayo." Pasimple niyang iwinasiwas ang kamay na tila nagbubugaw ng langaw. No, she won't let him humiliate her again. Yumuko siya at pinakinggan ang boses nito na nagpapasalamat sa pagkaing pagsasaluhan nila. Nang umangat ang tingin niya'y, nakikita niyang nakatingin ang binata sa kanya. His eyes are teasing her. Pinilit niyang huwag pansinin ang kaba sa dibdib at lihim siyang napaismid. No matter what happens, she's blind, deaf and mute. Tahimik siyang sumubo ng pagkain. Muntik na siyang makapagsalita nang matikman ang adobong manok. She expected an awful taste. But it was different. It's even more delicious than what she used to eat at home. Hmmm... at least hindi pala siya mamatay sa gutom dito. Kahit ang payat ng manok nila, napakasarap naman. "How was your first day?" anang Tita Fe na halatang pilit tinatanggal ang tensiyon sa hapagkainan. Hindi siya umimik lalo na nang maramdaman niyang sinulyapan siya ng binatang kaharap niya. Nag-init ang magkabilang pisngi nang maalala ang unang engkuwentro nila. "Come on, Tita, you knew it was horrible," aniyang nakatikwas ang kilay. "And this food sucks," pagsisinungaling niya. "Clarisse," may warning sa tono ng boses ng tiyahin. Nagkibit-balikat na lang siya saka walang paalam na tumayo at tinungo ang salas para manood ng telebisyon. At least, may TV sila kahit super luma na. NASA kalagitnaan siya ng panonood nang bigla na lang humarang ang bulto ng katawan ng taong kinaiinisan niya. "Gusto kitang makausap," anito sa tonong ayaw na ayaw niya. "Nakakaintindi ka ba ng Tagalog?" anito nang hindi siya sumagot. "Yes." Umangat ang kilay niya. Talagang kumukulo ang dugo niya rito. Walang salitang pinindot nito ang off button ng tv. Rude! aniya sa isip. "May gusto lang akong linawin para maging maganda ang pananatili mo rito." "Oh, don't bother. I can manage," aniya saka pinindot ang remote na hawak at ini-on ulit ang tv. "I don't think you understand," anito at tinitigan siya. Muli niyang naramdaman ang pamilyar na kaba na kanina lang niya naramdaman nang unang masilayan ang tila perpektong mukha nito. She felt like he's hypnotizing her. Muli itong lumapit sa tv at ini-off iyon. Tinanggal pa nito ang plug. She gave him a smugged face. "Hindi ka naririto para magbakasyon. Wala kang katulong, wala kang alalay. Walang magliligpit ng kalat mo, walang maglalaba ng damit mo, walang magsisilbi sa'yo. Tinatanggap kita hindi bilang bisita kundi bilang apo ni Donya Marcelina kaya inaasahan kong tutulong ka sa mga gawain dito sa hacienda." Ilang beses siyang napakurap-kurap. Tama ba ang naririnig niya? "You gotta be kidding me," aniyang gustong matawa. Sino ba ang dugyot na ito't pinagsasabihan siya? Oo nga't tagapagmana ito ng lola niya, but it doesn't give him the right to tell her what she's supposed to do! Apo pa rin siya ni Donya Marcellina. He ought to give her respect! "Pamamahay ko 'to. Hindi mo ako alila. Lalong hindi mo alila si Tita Fe. Dito, ang mga mas nakakatanda ang pinagsisilbihan, hindi pinagsisilbi. Kung gusto mong maging magkasundo tayo, matuto kang makisama. Matuto kang tumulong sa mga gawaing-bahay. Naiintindihan mo ba, o Iinglesin pa kita?" Nanlaki ang mata niya sa narinig. Nobody in this whole world dared to talk to her like that! "And if I don't?" nanghahamong sagot niya. Halos maglabasan ang litid sa leeg niya. Talagang galit na galit na siya. "Leave." kalmadong sagot nito na ikiniling pa ang ulo para imuwestra ang pintuan. "I don't need a parasite." Hindi na napigilan ni Clarisse ang kamay. Humulagpos iyon at isang matunog na sampal ang dumapo sa mukha ng kaharap. Pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya. "You-have-no-right-to-talk-to-me-like-that!"" aniyang nanginginig na dinuro ito. Tila nabigla ito sa ginawa niya. Napaatras siya nang mangalit ang bagang nito't madilim ang mukhang napahawak sa namumulang pisngi. "Huwag mong susubukin ang pasensiya ko Clarisse. Nasa loob ka ng pamamahay ko. May karapatan akong sabihin ang gusto kong sabihin. Kung hindi mo gusto ang sinasabi ko, maluwang ang pinto, maari kang umalis kahit anong oras na gustuhin mo!" mariing sabi nito't tinalikuran siya. "I'm Donya Marcellina's grandchild! That means, this is my house too! I can stay whenever I want and I can do whatever things I want! You have absolutely no right to talk to me like that! And you have no right to call me by my first name dahil hindi tayo close!" "Talaga?" anitong natigil sa paghakbang at muli siyang hinarap. Mas lalong dumilim ang mukha nito kaya ganoon na lang ang kaba sa dibdib niya. Nahigit niya ang hininga nang lumapit ito sa kanya at halos gadangkal na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. "Gaano pa ka-close bago kita pwedeng tawaging Clarisse?" Dama niya ang mainit nitong hininga sa mukha niya. Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib niya. Itinulak niya ito ng malakas pero hindi man lang ito natinag. "Kung inaari mong iyo rin ang pamamahay na ito, maging responsable ka. Matuto ka kung papaano mamuhay kagaya ng mga tao dito. Hindi mo pag-aari ang oras ng mga tao rito kahit pa sabihing pamamahay mo rin ito kaya wala kang karapatang paghintayin kami lalo na sa hapagkainan. Lahat ng mga tao rito, nagtitiyaga para mabuhay. Lahat ng nakahanda sa mesa, pinaghirapan. Kaya hindi mo pwedeng basta-basta itatapon lang dahil ayaw mo. Sa mas maikling salita na maiintindihan mo, GROW UP!" Namula ang buong mukha ni Clarisse sa galit. Umigkas ang kamay niya pero maagap na nasalo iyon ng binata. Nanginginig na siya sa galit. "Wala ka ring karapatang manakit ng tao dahil lang galit ka. Kung hindi mo kakayanin ang pamumuhay rito, mas mabuting umuwi ka na lang," anito saka siya binitiwan. Biglang nag-init ang pisngi niya sa tinuran nito. "I hate you!" Mabilis niya itong tinalikuran at tinakbo ang silid. "Tita! We're leaving this place!" And though she never wanted to, tears started falling down her cheeks. No, she won't cry! Pero sige pa rin ang pagbuhos ng luha sa sobrang galit at inis. She hates this place! And she hates that Paco! She'd rather die than stay five more minutes in this disgusting place! NAKATIIM ang bagang ni Paco habang sinundan ng tingin ang dalagang padabog na nagmartsa palayo. Sa buong buhay niya'y ngayon lang siya halos mawalan ng pasensiya at ngayon lang siya nasampal. Kung hindi lang sa huling habilin ng donya'y hindi na niya gugustuhing manatili sila sa iisang bubong. Napa-iling siya nang maalala ang nakasulat sa testamento. Hindi niya maisip na ang dalagang iyon ang nakatakda niyang pakasalan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD