2-Hubad

1930 Words
My Husband's Step-father Has A Secret Hubad Doon nagsimula ang atraksyon ko kay Professor De Armas. Hindi ko na kayang alisin siya sa sistema ko pagkatapos kong matikman ang mga labi niya. And it's been almost two months now since I became his stalker and I want a lot more from him. Oo, ang Hilaria Fontes na kilalang campus crush at player ay biglang naging stalker ng isang istriktong guro. I found Professor De Armas as a very interesting person. Gustung-gusto ko ang presensiya niya malapit sa akin kaya kahit na patuloy niya akong ini-snob ay hindi naman ako sumusuko. I have my ways. I hired a private investigator kaya madali kong nalaman kung saan siya nakatira. He's renting a small apartment near the university. Tatlong buwan pa lang pala siya mula nang magsimula siyang magturo sa College of Law. He's one of the country's youngest lawyer. Top four siya sa bar exams. Kaya pak na pak talaga si Sir sa akin. His achievements are more than enough for me to like him. Nalaman ko na estudyante rin pala siya noon dito sa university na pinapasukan ko. Scholar siya ng Vice Chancellor ng unibersidad kaya nakapagtapos siya ng abogasya. At ang pagtuturo niya sa university ang isa sa paraan niya para tumanaw ng utang-na-loob. Oh ‘di ba? Hindi pa niya ako lubos na kilala pero hulog na hulog na ako sa kanya. At proud na proud na ako sa future ‘Daddy’ ko. Kabilang sa mahirap na pamilya si Professor De Armas. He was raised by his single mother at sa edad na seventeen ay naulila na siyang lubos. Mayroon siyang half-sister, younger than him at ayon sa data ay nurse sa Great Britain ang kapatid ni Attorney Sir. Ibig sabihin ay mag-isa lang siya sa buhay ngayon. He's unmarried! At iyon ang pinakagusto kong detalye sa isinumiti sa akin ng private investigator. Kaya kailangan ko talagang makuha ang loob ni Professor De Armas kasi titiyakin ko na hindi na siya makakaramdam ng lungkot sa buhay oras na ako ang maging baby girl niya. I will make him need me. I'm sure na makukuha niya sa akin ang mainit na kalinga na hindi pa niya natitikman sa tanang buhay niya. Maaga akong umalis sa bahay kahit na alas nuwebe pa naman ang unang shift ng klase ko today. Dadaan pa kasi ako sa restaurant kung saan ko io-order ng pagkain si Sir. Iyon ang bago kong strategy simula noong nakaraang linggo. I will buy him food at makikisuyo ako sa janitor sa College of Law building na ipahatid kay Professor De Armas ang mga pagkain. I'm enjoying what I'm doing. Dahil kasi kay Sir ay ginaganahan akong pumasok sa university kahit na tulala naman ako pagdating sa klase. Last class ko sa araw na iyon ay hindi na naman ako mapakali. Gusto ko na kaagad na makalabas at magbakasakali na makasabay si Attorney Sir. Ang alam ko kasi ay walang sasakyan ‘yon at nagco-commute lang pauwi sa apartment niya. Sana magkataon na maisakay ko siya. Kung hindi man sa car ko, puwede naman sa akin na mismo siya sumakay. I'd love the latter. But unfortunately ay mas nauna na naman nakauwi si Attorney Sir kaysa sa akin. Maaga siya palagi kasi nga isang subject lang ang itinuturo niya. Kaya nang maglabasan ay naisipan kong bilhan na lang siya ng dinner at desert sa isa sa favorite resto ko. Braso de Mercedes muna ang bibilhin ko sa kanya pero kapag jowa na niya ako, siyempre Fúke de Hilaria na ang panghimagas niya mula umaga, tanghali, siesta, hapunan atsaka sa midnight snack siyempre. Nasa parking lot na ako nang may umakbay sa akin. “Medusa tonight. G ka, Ray?” “Join us na. We miss clubbing with you, Raya.” Si Lexi ang umakbay sa akin. Kasama niya si Demi na nasa kaliwa ko naman at abala sa pagre-retouch ng lipstick niya habang naglalakad. Lexi and Demi are my girl friends. High School pa lang ay kasama ko na sila lalo na sa kalokohan. Brat sila katulad ko. Ang pinagkaiba lang nila sa akin ay talagang nag-aaral silang mabuti. Ako kasi ayaw ko sa kurso kong Pre-vet. Wala naman akong magawa dahil iyon ang gusto ni Mommy para sa akin. While Demi and Lexi, they both took the same bachelor program in Tourism. “May lakad kasi ako tonight, girls.” Palusot ko. Nakokonsensya rin naman ako na pangatlong beses ko nang tinanggihan ang invitation nila na mag-Medusa kami— favorite disco bar namin iyon. “Again?” Maktol ni Lexi. “Nakakatampo ka na, Raya. This is gonna be my pre-birthday celebration. Hindi puwede na hindi ka sasama. Ano ba ‘yan?” “E ‘di mag celebrate ulit tayo a night before your exact birthday. Medusa ulit and all the drinks are on me. How's that?” Apela ko pero inirapan lang ako ni Lexi. “I will be in Cali two days before my birthday, Ray. You forgot?” “Shít! I'm sorry.” I sincerely apologize. Pati iyon ay nawala na sa isip ko dahil wala nang ibang laman itong isip ko kundi si Professor De Armas e. “Habol ka na lang. Thursday naman, huwag ka nang pumasok tomorrow. The varsity team will join us, Ray.” Sabi ni Lexi. Naging excited bigla ang mukha. “Diego David will join us also, the most daks among them. Type mo iyon, ‘di ba?” Umismid ako at pinaglaruan ang susi ng kotse ko sa daliri ko. “Not anymore, darling.” Maarti kong sabi kay Lexi. “Iyan kasi, masyado kang lulong sa Thai BL series mo kaya hindi ka na updated dito kay Hillary.” Si Demi. “What’s the new catch here?” Clueless na tanong ni Lexi at umabrisyete sa akin. “Nagbago na ang tipo nitong si Raya, Lexi darling. Mga tanders na ang tinitibok ng fúke niya ngayon.” Napangisi ako kay Demi. Na-excite ako bigla kasi naisingit sa usapan si Professor De Armas. Gusto ko na napag-uusapan siya kahit na hindi naman siya kilala ng mga kaibigan ko. Hindi ko inilihim kay Demi ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Attorney Sir. Tangka ko rin sanang ikuwento rito kay Lexi iyon pero masyado siyang busy these days. “Ano’ng tanders? Like a sugar-daddy, ganoon? Sino?” Hinigit ko si Lexi nang nasa tapat na kami ng kotse ko. “Professor sa College of Law, Lex. Si Attorney Levistus De Armas. And no, he's not my azucarera de papa. It will be the other way around.” Impit ang kilig ko nang ibunyag ko iyon sa kaibigan ko. Sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Sir ay parang nalalasahan kong muli ang labi niya sa bibig ko. Palakang kuba naman kasi! Wala namang kakaiba sa lasa ng laway ni Professor De Armas pero bakit nahihibang ako ng husto sa kanya? “Si Prof Levi? E boyfriend iyon ni Miss Adlawan ‘di ba?” Bulalas ni Lexi na dahilan para magsalpukan ang mga kilay ko. “What? Ano ang pinagsasabi mo r’yan? Professor De Armas is single, Lex.” Giit ko. Kilala ko iyong si Miss Adlawan. Isa siyang dating beauty pageant queen na ngayon ay guro sa College of Tourism. Nakilala ko iyon kasi pinagpapantasyahan din siya ng kalandian ko dati. Iniisip ko palang na may namamagitan kay Attorney Sir at sa Miss Adlawan na iyon ay nanggagalaiti na ako na inis at matinding selos. “But I saw them together. Tatlong beses na nga. Tapos kanina, narinig ko si Miss Adlawan na nagkukuwento sa co-teacher niya tungkol kay Prof Levi noong nasa banyo ako. They're dating na nga kasi. Ano, hayaan mo na iyon si Prof Levi kay Miss Adlawan, Raya. Mas bagay naman sila. Imagine, you'll have a jowa who's eleven years older than you. Alam mo, kulang ka lang sa walwal e.” Dumating ang sundo ni Demi kaya naudlot ang usapan namin. “Medusa tonight, Raya. Kapag hindi ka dumating, lagot ka sa akin.” Inosenting pagbabanta ni Lexi at nakisabay na ito kay Demi. Ako naman ay inis na sumakay sa kotse ko at mabilis iyon na pinasibad papunta sa apartment ni Professor De Armas. I know I don't have any rights to do this but I'll go crazy if I don't confront him about his real relationship with Miss Adlawan. Hindi kasi ‘yon puwede kasi akin siya! Akin si Attorney Sir e! Hindi siya puwedeng magkagusto sa iba. Hindi ako kaagad bumaba sa kotse ko. Nagmatyag muna ako sa paligid habang nag-iisip ng sasabihin ko kay Professor De Armas pero napakunot ang noo ko nang makitang bumukas ang pinto ng apartment na pakay ko. Nagngalit ang ngipin ko nang lumabas mula roon si Miss Adlawan. Hinatid ito ni Attorney Sir sa nakaparada nitong sasakyan sa tapat mismo ng maliit na gate. Muntik ko pang mahampas ang manibela nang makita kong tumingkayad si Miss Adlawan at hinalikan si Professor De Armas. Sa labi! Fúck! Kakalbuhin kita, Miss Adlawan! Akin iyang lalaking hinahalikan at nilalandi mo! Hindi na ako nag-aksaya ng oras at bumaba kaagad ako pagkaalis ni Miss Adlawan. I open the gate myself and throw an urgent knock on Professor De Armas' door. Hindi makalma ang dibdib ko. “Faye...” ang pangalan na nasambit ni Professor De Armas pagkabukas niya sa pinto ngunit bahagyang napaawang ang bibig nito nang ako ang mabungaran nito. Alam kong naiinis ako at selos na selos ako pero nang bumungad sa mga mata ko ang guwapong mukha ni Attorney Sir ay kataka-takang biglang napawi ang inis ko. “Miss Fontes, I wonder what brings you here.” Kaswal at malamig na untag sa akin ng guro nang hindi ko namamalayan na para na pala akong tanga na nakatitig sa mukha niya. Ngumisi ako kay Professor De Armas at walang sabi-sabing lumusot sa tipid na space sa gilid ng kanyang katawan para makapasok ako sa loob ng kanyang apartment. Narinig ko ang kanyang pagmumura. “Miss Fontes!” May babala sa tinig niya nang tawagin niya ako sa apelido ko. “What are you doing here?” I scoffed. “Alam mo naman na gusto kita, Sir. Nakakatampo ka, alam mo ba ‘yon? Masugid kitang nililigawan. Araw-araw pa ‘yan na nagpapadala ako saiyo ng pagkain kasi naniniwala ako sa kasabihan na a way to a man's heart is through his stomach pero elepanteng kuba naman, Sir! Bakit naman jinowa mo si Miss Adlawan? You broke my heart, Sir.” Pagdadrama ko. “We’re talking about an unnecessary things here, Miss Fontes. You shouldn't be inside my apartment!” Hindi naman ako nagpatinag doon at itinuloy ko ang unang ideya na pumasok sa isip ko. I strip in front of Professor De Armas. “Miss Fontes, stop it!” Nakita ko ang pagkaalarma sa mga mata ni Sir pero itinuloy ko pa rin ang paghuhubad. Loka-loka na kung loka-loka pero papatunayan ko kay Professor De Armas na kaya ko ring ibigay sa kanya ang naibibigay sa kanya ni Miss Adlawan. Hihigitan ko pa. “No, Sir. Hindi ako titigil. Hindi kita titigilan. I want you. I want you so bad. Hindi kailanman ako nagkaganito sa ibang lalaki, sa’yo lang. I like you, Sir. I really really like you, Sir. And here I am naked. Now you have to decide if you're going to take me or leave me, Sir. Ito na ang huling beses na mangungulit ako saiyo, Sir. If you will tell me to leave, I promise hinding-hindi na kita iistorbohin kahit kailan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD