Chapter 28 Yoishi Perez KINABUKASAN "AAAAAHH!! Anong ginawa mo sa akin?!!!" Gulat akong napabangon mula sa pagkakahiga at tinignan ang babaeng bigla-bigla nalang sumisigaw. Ano bang problema niya? Hindi niya ba nakikita? Natutulog ako! "ANONG GINAWA MO SAKIN!! WAAAAAAAH!! BAKIT TAYO MAGKATABI?!!" Agad kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko mula sakanya. Ano raw? Magkatabi? T-teka? Tuluyan ko ng binuksan ang singkit kong mga mata para makita kung anong sinasabi ng babae na 'to. At— "Anak ng! Anong ginawa mo dito sa kama ko?! Anong ginawa mo sa akin?!!" Nanlalaking mata na sigaw ko nang marealized kong nasa kama ko rin pala ang babaeng 'to. Agad naman akong nakatanggap ng isang malupitan na batok mula sa kanya. Aray, puta! "Masakit!" Kunot noong reklamo ko. Ano bang ginagawa niy

