Chapter 25 Zhavia Tuazon "Saan kayo nanggaling?" Bungad na tanong sa akin ni Light nang makabalik kami ni Perez sa loob ng campus. "Somewhere special," tugon ko na ikinakunot ng noo niya. "Osiya, babalik muna ako sa club. Uuwi ka na ba?" Tanong nito. "Mamaya pa, hihintayin ko pa si Perez." Tugon ko, dahilan para bigyan niya ako ng mapang-asar na tingin. "Ano nanaman ba?!" "Ayieee, kayo ha! Pero kahit kayo na nga talaga, huwag kang sasama sa bahay nun ha, naku! Sinasabi ko sayo, Bayang." Umiiling na sabi nito. Magkasama naman talaga kami sa iisang condo ng asungot na 'yon! "Paano kung sumama ako?" "Hoy! Wala, ayos lang. Basta ako ang ninang, ah?" Natatawang sagot nito na ikinalaki ng mata ko. "A-anong?! Hoy!!!" Sigaw ko nang tumakbo na ito paalis. Siraulo talaga siya! Ano bang

