Chapter 15 Zhavia Tuazon "Nababaliw ka na ba, ha?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Gusto mo bang pag-usapan tayo sa campus kapag ginawa mo 'yun? Sasabihin nila, ang harot naman ni Perez-" "Ano? Akala ko ba tayo? Bakit hindi ka kasama?!" "Syempre, ikaw lang naman yung tangang humaharot." "Ang sama mo talagang panget ka! Punasan mo pa nga 'yang labi mo. Ang dami pang nakakalat." Inabot niya sa akin ang tissue. Kinuha ko naman 'yun at ipinunas sa labi ko. "Okay na?" "Sa ilong mo pa!" Pinunasan ko naman ang ilong ko. "Hays! Bakit ba ang tanga-tanga mong babae ka?" "Bakit ba?!" "Yung tissueng ipinunas mo sa ilong mo, 'yun din ang ipinunas mo sa labi mo! Tignan mo, sa ilong mo napunta yung sauce. Hays!!" Natawa na lang ako nang mapa face-palm na siya. "Babae ka ba talaga?"

