Chapter 13 Zhavia Tuazon Tumayo na ako sa kinauupuan ko nang makaramdam ako ng gutom. Bubuksan ko na sana ang pinto nang maalala ko na katapat ko pala ng room ang asungot na 'yon. "Paano kung makita niya ako?" Napasandal nalang ako sa pintuan at huminga ng malalim. "Kaya mo 'yan, Zhavia. Bibili ka lang ng pagkain sa ibaba." "Eh, paano nga kung makita niya ako? Kung makasalubong ko siya?" "Aaaaaaaahh! Bakit ba kasi siya nandito!" "Eh, bakit rin ba kasi ang asungot na 'yon ang iniisip ko!" Saad ko. Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin at napansin na hindi pa pala ako nagpapalit ng damit. Ay nako! Tanga ka talaga! Paano na lang kung nakita niya nga ako at mapansin niya na pareho kami ng outfit ni Haisley! "Aish!" Asik ko at agad naglakad papunta sa closet para magpalit ng da

