Chapter 10 Zhavia Tuazon "Makisama ka naman kasi!" Pagmamaktol nito. "Wag mo nga akong tawanan! Seryoso ako!" Kunot noo pa nitong sigaw sa akin, pero hindi ko talaga mapigilang matawa. "Aish! Nakakainis naman oh!" Napasabunot na lang siya sa buhok nya. "Basta! Ikaw na ang girlfriend ko magmula ngayon! Naiintindihan mo ba, ha?" Naiinis nang sambit nito sa akin. "Ano ka? Nanalo sa lotto, ha? Bakit naman ako papayag? Eh wala ka pa nga sa kalingkingan ni Massimo eh!" Natatawang sambit ko dito, mukha kasing tanga ang itsura niya. g**o-g**o na ang buhok niya dahil sa inis. "Sino naman ang lalaking 'yun? Boyfriend mo ba 'yon, ha?" Tanong nito, napaisip naman ako. "Oo, Bakit? May problema ka?" "Oo! Break-an mo na siya, dahil ako na ang bagong boyfriend mo!" "Ayoko nga! Bakit ko naman ga

