Chapter 39 Zhavia Tuazon Five minutes nalang ang natitirang oras ay male-late na kami kaya naman nang makarating kami sa school ay inunahan ko na siyang bumaba at dali-daling naglakad dahil baka tuluyan na kaming ma-late kung magpapatumpik-tumpik pa ako. Pero anak nga naman ni zuma! Nagmamadali kana't lahat pero yung kasama mo kung kumilos parang pagong. Napakakupad! Ang sarap balian ng buto para zuma-kabilang buhay na, biskwit! "Ano ba! Bilisan mo ngang maglakad! Feeling model ka pa diyan mukha ka namang tanga." Naiinis na singhal ko dahil talagang kinakawayan niya pa 'yung mga fans niya na halos araw-araw na rin naman siyang nakikita. Hindi ba nagsasawa ang mga 'to sa mukha ng mokong na 'to? Dahil ako, sawang sawa na. Jusko. "Why do people keep on staring at me? I mean.. I know I'm

