Chapter 35 Zhavia Tuazon "Aray! Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" Patuloy pa rin ang paglikot ko para lang magpumiglas pero parang lalong dumadami ang taong humahawak sa akin para lang hindi ako makatakas. Tae! Ano ba talagang nangyayari?! Kung kidnap 'to, bakit walang tumutulong sa akin?! Pakshet naman oh! Hindi rin nagtagal ay naramdaman kong tumigil na kami sa paglalakad, sinimulan na rin nilang tanggalin ang piring sa mata ko at ang— "Bakit niyo ako nilagyan ng posas?!" Nanlalaking matang bulyaw ko nang makita kung ano ang nilagay nila sa kamay ko. "Kalma po." "Welcome to jail booth." Agad akong natigilan nang biglang sambitin iyon ng isang lalaki sa gilid ko. Jail booth? Anong ginagawa ko dito? "Pasok na po kayo," nakangiti nilang utos pero hindi pa ako nakakatanggi nang itulak

