Chapter 18 Zhavia Tuazon "Pangeeeeeeeet!!!!" Gulat akong napabangon mula sa pagkakahiga nang umalingawngaw ang sigaw ni Perez sa tainga ko. Anak ng potakte! Ano bang problema niya?! Babasagin ata nito ang eardrum ko eh! Peste! "ANO BA, HA!?" Iritang bulyaw ko sa kanya. Nakakainis, kitang natutulog 'yong tao! Siya lang ang baliw na nakilala kong naninigaw sa tainga kahit natutulog pa 'yong tao. Bwiset siya! "Good Morning, panget!" Ngiting ngiti na bati sa akin ng asungot na 'to. Sinamaan ko lang siya ng tingin, dahil panira siya ng umaga! May pasuot-suot pang apron. "Ano bang problema mo, ha?!" Inis na tanong ko sa kanya, saka siya inirapan. "Ang sungit mo naman!" Nakangusong saad nito pero tinarayan ko lang ulit siya. Bwiset talaga! Ayoko na! Gusto ko ng mag-back out agad! W

