CHAPTER 3

1587 Words
__________ *JANESSA's POV* --------- Isang linggo na ang nakakalipas ang mga ginawang pangugulong ni channa sa tahimik kung buhay. Ito ako ngayon inaayus ko ang mga gamit dito sa bahay yes naibalik na sakin tong bahay at lahat ng ariarihan ng pamilya ko. Tahimik lang ako habang naglilinis ng biglang bumukas yong pintuan ng bahay namin. Si sean seryoso ang mukha isang linggo ding hindi nya ako ginugulo mas okay na ngayon pero ngayon nasa harapan ko sya. "Janes!Tawag nya sakin sa malamig na tono napalunok naman ako ano nanaman problema ng taong to. "Sino kaba talaga?" Tanong nya sakin napakunot naman ako ng noo dahil sa tanong nya sakin. "Anong pinagsasabi mo?" Nagugulohan ko namang tanong sakanya. "Wag ka ng magmaang maangan pa alam kona ang lahat" This time lumapit sya sakin napaatras naman ako. Hindi kaya alam nya na sinabi ba talaga ng ate nya sakanya paano na to ano ng gagawin ko. "Bakit kailangan mong itago ang totoong ikaw?" Napalunok naman ako sa sinabi nyang yon hindi ko alam ang isasagot ko. "Sumama ka sakin may pupuntahan tayo!" Pagkasabi nya yong hinila nya na ako palabas ng bahay ko. Huminto ang sasakyan nya sa isang sikat na pamilihan ng mga damit. "Alfred kunin muna yong damit" Utos nya sa driver nya agad naman nya itong sinunod. Hindi nag tagal nabot na sakanya yong paper bag agad nya namang inabot sakin. Nagtataka naman akong inabot ito tinignan ko kung anong laman damit nya kulay pula ito. "Isuot mo yan gusto kang makilala ng pamilya ko" Para namang lalabas na puso ko dahil sa sobrang kaba ano bang nangyayari hindi kona alam kong ano ang mga nagaganap. Hindi ko namamalayan na nasa harapan na pala kame isang sikat ding salon. Hinila nya na ako palabas ng kanyang sasakyan bakit ba ang hilig hilig nyang manghila. Pumasok kame sa loob ng salon agad namang nag bow yong mga nagtratrabaho dito. "Siya na po yong sinasabi ni ms?" Tanong ng isang magandang babae tumango lang si sean. "Sumunod po kayo sakin" Magalang nyang sabi sumunod nalang din ako sakanya pumasok kame sa isang silid. Laking gulat ko ng hindi pala basta basta isang silid lang may mga gamit din na pang salon. Pinaupo nya ako sa upoan nagulat ako ng tangalin nya yong salamin ko. "Kilala na po kita miss sanchez" Nakangiti nyang sabi sakin pilit naman akong ngumiti. "Hindi ko akalain na maayusan ko ang isang tulad mo" Hindi mawala ang ngiti nya sa labi nakatingin ako sa salamin tinitignan ko ang sarili ko. Inalis nya na yong wig ko bumagsak yong mahaba kong buhok. Napahinga ako ng malalim ipapakita kona ba sa lahat kung sino ako ang tagal ko ng tinatago ang sarili ko ang  dami kona ding nilolokong tao pero kailangan kong itago kung sino ako para sa kaligtasan ko. Nakatingin lang ako sa sarili ko sa may salamin habang nakasuot ng pulang simpleng dress. "Napakaganda nyo po talaga ms sanchez" Napatingin ako sa nagsalita ningitian ko nalang sya. "Kinakabahan ako" Sabi ko sakanya. "Wala ka dapat ikakaba nasa ligtas kang lugar tsaka ang ganda ganda mo wala ka dapat ikakaba" Sabi nya sakin bumuntong hininga ako. Nang maayus kona ang sarili ko kinakabahan parin ako. Binuksan na ng babae yong pintuan dahan dahan akong lumabas dahil sa kaba. Paglabas ko wala ng mga tao tanging si sean nalang ang andon napayuko ako ng tinitignan nya ako nahihiya ako. ________________ *SEAN's POV* _______ Nakatingin lang ako sa kanya habang pinagmamasdan kong gaano sya kaganda syang sya nga yong babaeng pinakita sakin ni daddy. Totoo nga lahat ng sinabi nila sakin nagpapangap lang siyang isang nerd. Pero parang mas gugustohin ko pang maging nerd look sya kaysa ganyan sya kaganda sigurado akong maraming lalaking magkakandarapa sakanya. Hindi ako makakapayag kung sakaling ganun ang mangyayari. "Ikaw nga yon totoo nga lahat ng sinabi nila" Sabi ko sakanya habang titig na titig parin ako sakanya. "Huh" Yan na lamang ang naisagot nya sakin lumakad ako palapit sakin hinawakan ko yong kamay nya. "Ipapakilala lang kita sa mga magulang ko pagkatapus nito pwede mo ng itago kung sino ka talaga ayuko namang makita ka nilang ganyan kaganda ayuko ng marami akong kaagaw pagdating sayo" Sabi ko sakanya  namula naman yong mukha nya agad syang umiwas ng tingin sakin. "Salamat sara" Pagpapasalamat ko sa nag ayos sa kanya ang kaibigan ni ate. Tumango lamang ito, lumakad na kame palabas ng salon tahimik lang sya ulit. Nang makarating kame sa bahay sinalubong agad kame ni mommy. "Hello iha napakaganda mo talaga"Puri ni mommy sakanya habang ngiting ngiti ito napangiti nalang si janessa. "Salamat po kayo din po napakaganda nyo po" Magalang na sagot nito kay mommy. "Wag mo ngang masyadong pinupuri si mommy lalong lumalaki ang ulo" Sabat ko naman sakanila napatingin sakin ni mommy ng masama ngumisi lang ako. "Andito na pala kayo" Masayang salubong samin ni daddy kasama si ate. "Magandang gabi po mr cojuangco" Magalang nyang bati kay daddy. "Nice to see you again janessa" Bati ni naman ni ate sakanya sabay tingin sakin tsaka ngumiti ng nakakaloka. Alam kong may binabalak tong babaeng to ano nanaman kaya yon bored na bored na ba sya sa buhay nya. "Kumain muna tayo bago tayo mag kwentohan let go iha" Pagaaya samin ni mommy tsaka nya hinila sakin si janessa aarrgghh nakakainis naman akala ko pa naman masosolo ko sya mamaya kaso mukhang malabo atang mangyari yon. "Kamusta ka naman iha? Tanong ni dad sakanya. "Maayus naman po ako kahit papano" Magalang paring sagot nya nakatingin lang ako sakanya hindi ako makakain busog pa ako. "Natapus muna ba yong naging training mo?" Tanong ulit ni dad anong training?. "Patapus na po sir kahit papano maayus naman po ang trano nila sakin" Hindi ko magets yong pinaguusapan nila. "Anong training?" hindi kona kinaya kaya sumabat na ako. "Martial art para kahit papano kaya nyang ipagtangol ang sarili nya diba iha" Napakunot naman ako ng noo hindi naman kailangan dahil andito naman ako kaya ko syang protektahan. "Inutuloy ko lang yong hindi namin natapus ni mommy" Dagdag naman nito napatingin ako sakanya ngumiti nalang sya sakin. "Hindi kana ba babalik sa pagiging modelo mo?" Tanong naman ni mommy teka parang mas marami pa silang alam tungkol sa kanya kaysa sakin. "Tatapusin ko muna po ang pag aaral ko tsaka po ulit ako babalik" Nakangiti nyang sagot kay mommy. "That's good pagbutihin mo ang pag aaral mo wag kang magpapakaloka kay sean okay" Tumingin sakin si mommy ng nakakaloko tinignan ko lang sya ng masama anong klase syang ina tsk. "Ano palang nagustohan mo kay sean?" Tanong ulit ni mommy sakanya dahilan para masamid ito agad naman nyang kinuha yong baso na may tubig para inumin. "Mommy ano ba" Inis kong sabi sakanya tumawa lang sya. "Tinatanong ko lang naman sya anong masama don" Sagot nya saking may mga ngiti sa labi. Inirapan ko lang sya tsaka ako tumingin kay janessa. "Okay ka lang ba wag mo silang pansinin kumain ka lang ng kumain dyan" Sabi ko sakanya tinapos nya na yong pagkain nya pati sila tapus na din. Inalis na ng mga katulong yong mga kalat sa lamesa. "Iha wag kang mahiyang pumunta dito ha marami akong ikwekwento sayo" Hindi parin maalis kay mommy yong saya habang kinakausap nya si janessa. "Mom alam mo namang busy si janessa" Sagot ko sakanya pinanlakihan nya lang ako ng mata kahit kailan umiiral parin ang pagkaspoiled bratt nya. "Andito na ang isa pang bisita" Napatingin kameng lahat kay ate ng magsalita ito kanina pa kase tahimik to. "Oh channa long time no see" Sabi ni mommy. "Hi tita kamusta po?" Tanong naman ni channa kay mommy. "Im okay btw channa meet janessa may daughter in law" Pagpapakilala ni mommy sakanya napanganga naman si channa dahil sa sinabi ni mommy. "Ang ganda ng magiging mrs cojuangco diba?" Sabat ni ate ito na ba yong plinaplano nya alam nya kasing patay na patay si channa sakin noon pa. "Senna ano to akala ko---" Hindi na pinatapus ni ate si channa. "Common channa hindi paba malinaw sayo na hindi ka talaga gusto ng kapatid ko so wag kang maginarte dyan" Masungit nyang sagot dito tinignan ni channa si janessa. "Tita ano to akala koba ako ang gusto mo para kay sean?" Tanong nya kay mommy tumawa lang sya tsaka pinaupo nya sa tabi nya "Hindi ko pa nasasabi na may mas gusto ako para sakanya?" Halos gusto ng sabunotan ni channa si janessa kaya gumawa na ako ng dahilan para mailayo sya sa mga kamay nito. "Ehem baka pwede ko namang masolo ang girlfriend ko" Pagpapaalam ko sakanila hinila kona patayo si janessa tsaka ko sya dinala sa may garden namin. May lamesa don at may mga ilaw ipinahanda ko kay alfred ang lahat ng ito. "This is our firts date"  Mahinahon kong sabi sakanya tsaka ko sya pinaghila ng upoan. Pagkaupo ko nakatingin lang ako sakanya nagkatinginan kame sa isat isa. "Ngayon naniniwala ka nabang gusto talaga kita?" Tanong ko sakanya. "Louis hindi pa ako handa" Malungkot nyang sagot sakin. "Handa akong maghintay hihintayin ko yong araw na magiging handa kana at hindi kona sasayangin yon" Ngumiti sya kaya napangiti na din ako. Kapag nakikita kong ngumingiti sya nanlalambot yong puso ko unti unti akong tinutunaw ng mga ngiti nya. "Sana pagbigyan mo kong iparamdam sayo na mahal kita" Tanging tango lang ang naisagot nya sakin. Tahimik lang kameng dalawa na nakaupo sa may d**o habang nakatingin sa langit nakahawak lang ako sa kamay nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD