GAANO ba kahirap ang magpaalam sa taong mahal mo? Hindi malaman ni Donnie Marie kung paano niya sasabihin kay Dasher ang kanyang napipintong paglayo. Yes, she's decided to stay away from him for good. She didn't deserve him. Dahil ang tanging kaya lamang niyang ibigay kay Dasher ay puro gulo at kapahamakan. She could never undo her past. Alam na sa buong Pilipinas ang pagkatao niya. Mystique Agent has been out in the open. She smiled bitterly. Batid niyang nagtitipon tipon na ang mga taong nasagasaan niya sa kanyang mga naging trabaho dati para paghigantihan siya. Ex-mayor Daguio has already started. Hindi na niya kailangan pang maghintay ng kagaya nito para paghigantihan siya. At kung may isang bagay man siyang hindi niya mapapayagang mangyari, iyon ay ang madamay si Dasher sa mga gulon

