Yvette’s P.O.V Nagising ako dahil sa naramdaman kong may humahawak ng kamay ko. Padilat ko ng mga mata ko, putting kisame ang uang nakita ko. Inilibot ko ang paningin ko at napagalaman kong nasa hospital ako. Tinignan ko naman ang kamay ko at nakita ko na tulog habang nakadukmo’t naka-upo sa tabi ng kama ko. Nakatitig lang ako sa kisame ulit. Pilit kong inaalala kung ano ang mga nangyari kung bakit ako nandito sa hospital. Bila ko namang naalala ang dahilan kung bakit ako isinugod sa hospital. Gusto ko mang tumayo at sumigaw, hindi kaya ng katawan ko. Mistula akong estatuwa na halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. “Nahj… ang anak ko…” naramdaman kong gumalaw si Nahj at kaagad na nag-angat ng tingin sa akin at nanlaki ang mga matang napati

