Third Person’s P.O.V Napag-desisyunan ni Nahj na sa cafeteria nalang sila ng hospital kumain, para hindi na sila lumayo pa. Kailangan sila ni Jonah. Kailangan siya ng anak niya. “Anong gusto mong kainin, Leticia?” tinignan naman niya si Yvette na naka-tingala parin sa menu ng cafeteria, “Ikaw, babe?” inusog ni Nathan ang wheelchair ni Yvette para makita niya nang maayos ang mga nakapaskil sa monitor. “Sir, ano po ang sa inyo ni Ma’am Yvette and Ma’am Narien?” “Ang sa’kin, chicken arroz caldo with tofu and egg… Si Narien, siya ang mag-o-order ng sa kaniya kasi makupad siyang pumili…” sabi ni Nathan, kaya natawa si Leticia. Nagsalita naman si Yvette, “And ang sa akin naman, chocolate cake atsaka fried pusit with rice. Drinks naman… gusto ko ng soya milk nila.” Bumaling n

