Third Person’s P.O.V Three hours and still, wala paring update sa kalagayan ng anak ni Nahj. Hindi na ito mapakali sa upuan niya. May minutong tatayo siya at mayroon din namang lalakarin niya ang buong hallway. “Kuha muna ako ng kape.” Paalam niya kay Leticia, pero ang totoo, luting siya na hindi alam ang gagawin, “Gusto mo ba?” umiling naman si Letty bilang sagot. Pagdating niya sa vending machine, nakatulala lang siya ro’n. Ni-hindi man siya nag-abalang kumuha ng barya, para sa kape. Siguro’y limang minuto rin ang itinagal niya sa machine nang may pumansin sa kaniya. “Excuse me, hijo… Kukuha ka ba ng kape? Kanina pa ako naghihintay dito, hindi ka naman kumikibo diyan.” napabaling naman siya nang mayroong matandang babae. “Sorry po. Here,” tumabi siya sa harapan ng ve

