Third Person’s P.O.V Tulala si Nahj na nakarating sa hospital kung saan naka-admit ang anak niyang si Jonah. Nang makita siya ng ama niya, atsaka naman ito kaagad na tinignan si Nahj mula ulo hanggang paa. “Ito ba ang sinasabi mo sa akin na alam mo ang ginagawa mo? Is this it? Ito na ba ‘yon?” galit ang tono nito, pero nanatili parin itong mahinahon, dahil nasa pampublikong lugar sila. “Dad, please. Hindi ito ang oras para sa sermon mo---” “Kung hindi ako ang magsasabi sa’yo ng mga maling desisyon mo… sino?” natahimik si Nahj habang nakatingin lang sa malayo. Nasa lobby sila ngayon at nakatayo. May mga napapatingin sa kanila, pero hindi ‘yon pinapansin ni Nahj ngayon. Mas iniisip niya kung gaano siya ka-walang kwentang Daddy sa anak nila ni Yvette. “Look at yourself, Nahj Devon. You

